PNP CHIEF ACORDA, SINUNOG ANG P628.8-M MARIJUANA PLANTS SA CAR

CAMP DANGWA, Benguet

Pinangunahan mismo ni Chief, Philippine National Police Director Benjamin Acorda,Jr., ang pagsunog sa mahigt sa kalahating-bilyong halaga ng marijuana plants na nagging highlights sa 122nd Police Service Anniversary celebration sa Camp Major Bado Dangwa, La Trinidad, Benguet noong Oktubre 19.

Kasama ni Acorda sa selebrasyon sa PROCOR sina MGen. Jon Arnaldo, Commander ng Area Police Command-Northern Luzon; BGen. Danilo Benavides, assistant Division Commander, 5th ID, Philippine Army; Commodore Roger Viduya, PMA Assistant Superintendent, PMA; PDEA Regional Director Julius Paderes at PROCOR Director David Peredo,Jr, sa paghawak ng sulo at sabay-sabay na sinunog ang 5 kilo ng marijuana brick at 300 na tangkay ng marijuana bilang representasyon sa maraming taniman ng marijuana na natuklasan at nasunog mula sa serye ng operasyon sa rehiyon ng Cordillera .

Ayon sa datos, mula Abril 2022 hanggang Marso 2023, may kabuuang 185 na operasyon ng marijuana eradication sa rehiyon na nagresulta sa pagkadiskubre ng 2.39 milyong piraso ng fully grown marijuana plants, 20,000 marijuana seedlings; 712 kilo ng driedmarijuana. dahon/stalks/
fruit tops, at 2.5 kilo ng marijuana seeds, na may kabuuang Standard Drug Price na P565,143,700.00.

Bukod dito, mula Abril 2023 hanggang sa kasalukuyan, ang Benguet Police Provincial Office sa pamumuno ni Col.Damian Olsim, provincial director, ay nakapagsagawa ng kabuuang 129 operation ng pagpuksa ng marijuana splants na humigit-kumulang 18,938 metro kuwadradong lupain sa lalawigan na nagresulta sa pagkasira ng 117, 784 piraso ng fully grown marijuana plants;
42,150 piraso ng marijuana seedlings, at 1,154,000 gramo ng tuyong dahon at tangkay ng marijuana na may kabuuang SDP na P63,722,800.00.

TFP/ABN

Amianan Balita Ngayon