BAGUIO CITY
Asahan ang posibleng mataas na presyo ng gulay nagyon panahon ng tag-init. Ayon kay Arisa Dulinen vegetable disposer sa La Trinidad trading post, “Ung ibang barangay na pinagmulan ng gulay kulang sa suplay ng tubig kaya doon konti lang ang ani, lalong lalo na sa patatas at repolyo kaya dun tumaas ang presyo dahil konti ang dumating”.
Aniya, ang dating P15.00 per kilo ng repolyo ay tumaas sa P20.00-2P2.00 per kilo na ngayon, samantaang tumaas sa P10.00 per kilo ang patatas, mula sa P50.00-P60.00 per kilo ay naging 60.00 hanggang 68.00 pesos per kilo. Ang pagtaas ay sanhi ng nararanasang tag-init ngayon na nagiging dahilan ng kawalan ng suplay ng tubig dahil sa kawalan ng ulan. Sa ngayon ay wala namang shortage sa gulay ayon sa mga vegetable disposer ng La Trinidad trading Post. ”At least nasa tamang supply naman ang na ibababa sa Manila” pahayag pa ni Dulinen.
Kate Juri Castañeda-UB Intern/ ABN
March 24, 2023
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024