SURIIN NATIN ANG HATOL NG ISLAM SA PAGPILI NG DALAWANG KANDIDATO O HIGIT PA SA DALAWA

Ang bansang pilipinas ay kilala sa bansang kristiyanismo, ayun sa isang pagsusuri nito ay umabot ng 79% to 80% ng mga Pilipino ay Roman Catholic at ang Pilipino Muslims ay tinatayang nasa 6.5 % lamang at ang mga tinatayang nasa 14% ay pinaghatihati sa iba’t-ibang relihiyon, Ngunit kung ating susuriin, Islam pa rin ang pinaka marami sa mga grupong taliwas sa kristiyanismo, at ang mga ito ay namumuhay sa dulo ng Mindanao o sa kilalang tawag na BARMM territory sa mga panahong ito, at ito ay lumaganap din sa iba’t-ibang sulok ng Pilipinas kabila nito ay kung tawagin ay (MINSUPALA) Mindanao, Sulu, Palawan.

Saan man sulok ng Pilipinas  mapadpad ang mga Pilipino Muslim ay may baon na gabay patungkol sa pagpili ng
mga karapat-dapat na lider sa isang lugar, hindi man lang sila nagkakaisa dahil dumedepende ito sa pananao ng bawat isa, ngunit sa pangkaramihan (majority) ay ang kanyang pinang-hahawakan ay ang gabay mula sa QUR’AN at
TRADITIONAL ni propeta muhammad suma kanya nawa ang kapayapaan. Isang gabay para sa pagpili sa lider o mamumuno sa isang lugar ay: – Hindi maaring piliin ang isang babaeng mamumuno sa napaka taas na posisyon sa
isang bansa kagaya ng presidente datapuwat kung sa mas mababa nito ay maaring piliin ang kababaehan, ayun sa
mga dalubhasa sa Islam.

Sinabi ni propeta muhammad S.A.W. “Hindi magtatagumpay ang isang bansa o isang lumpok kung babae ang
mamumuno sa kanila”. Ang rilehiyong Islam ay patas sa pagpili (justice) – Isang mahalagang katanungan, paano kung ang pagpipilian ng mga kandidato ay pareho silang hindi mga Muslim? Sagot: Piliin ang pinaka malapit sa mga Muslim at Makatarungan. – Pangalawang tanong, paano kung ang pagpipilian ay Muslim, at hindi Muslim, ngunit
ang Muslim ay hindi makatarungan at ang hindi Muslim ay siya itong makatarungan? Sagot: Piliin ang hindi Muslim na makatarungan. Sinabi ng isa sa iskular ng Islam na si Ibnul Qayyem.

Kung papipiliin ako sa isang lider na hindi Muslim na makatarungan at Muslim na hindi makatarungan ay ang
pipiliin ko ay ang hindi Muslim na makatarungan, dahil ang pagiging makatarungan niya ay para sa akin at pagiging hindi niya kabila sa Muslim ay para lamang yun sa kanya. Samantalang ang Muslim na hindi makatarungan ay para
sa akin, at ang kanyang pagiging pagka Muslim ay yun ay para lamang sa kanya. -Pangatlong tanong, paano kung ang pagpipilian ay babae at lalaki at pareho silang hindi mga Muslim. Sagot : piliin mo ang pinaka mapagmahal sa kanila sa mga Muslim at Makatarungan, kahit siya ay babae kung siya itong makatarungan sa kanila. Batid natin sa mga gabay nito ay iisa lang ang pinaka mahalagang dapat ipili sa magiging lider o pinuno sa isang lugar, ito ang justice, makatarungan, patas.

Amianan Balita Ngayon