BAGUIO CITY
Tiniyak ni City Director Col. Francisco Bulwayan,Jr., ng Baguio City Police Office na nakakalat ang
may 1,567 kapulisan sa grand opening ng kauna-unahang face to face celebration ng Panagbenga Festival sa Summer Capital sa Pebrero 1. Ayon kay Bulwayan, nakalatag na ang mga lugar na
poposisyunan ng mga pulis sa iba’t ibang lugar sa lungsod, para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng publiko sa buong selebrasyon ng festival.
Aniya, madadagdagan din ang presensya ng pulisya sa mga terminal ng bus, malls, parke, palengke, at iba pang lugar ng convergence. “Hindi lang peace and order ang babantayan natin dito, kundi maging trapiko na siyang pangunahing problema sa ating siyudad,lalo na ngayong festival ay asahan na natin ang pagdagsa muli ng mga turista.”pahayag ni Bulwayan.
Ayon kay Bulwayan, nakikipag-ugnayan din sila sa mga school na nasa centra business area na magamit pansamantala ang kanilang lugar para sa parking ng mga bisita,upang mabawasan ang
trapiko sa mga araw ng highlights ng selebrasyon ng Panagbenga. “Paghandaan natin ito dahil maraming darating na bisita. Panawagan ko din sa mga barangay officials at ibang stakeholder groups na magtulong-tulong tayo sa peace and order at traffic management,para maging matagumpay ang ating selebrasyon para sa ating syudad,” pahayag pa ni Bulwayan. Ayon kay Bulwayan, sa nasabing bilang na kapulisan na maide-deploy, ang iba ay galing sa Police Regional Office- Cordillera.
Zaldy Comanda/ABN
January 27, 2023
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024