14 MIYEMBRO NG ACTION GROUP, KINASUHAN NG TRESPASSING

BAGUIO CITY – Labingapat na miyembro ng Cordillera Interaction Assistance Group (CIAG) ang kinasuhan ng alleged Trespassing, Grave Coercion at paglabag sa Republic Act 493, Article 179 (Unauthorized use of Military Uniform), matapos ireklamo ng isang residente sa sa may No.43 Queen of Peace Road, Baguio City.
Nabatid mula sa BCPO Naguilian Road Police Station, na pinangunahan ni Major Manuel Canipas,Jr., inaresto nila ang 14 katao na miyembro ng CIAG, noong Nobyembre 1, kaugnay sa reklamo ni Marilou Ulalan Monory,63, residente ng nabanggit na lugar.
Ayon sa report, ang mga suspek ay puwersahang binuksan ang gate at pumasok sa bakuran ng walang pahintulot ng biktima at nagpakita ng kapirasong papel na galing sa nagsasabing mayari ng bahay na si Flores Guillermo Silo.
Base sa pahayag ng biktima, tinakot umano sila na makukulong kapag hindi umalis sa bahay. Kinunan pa umano ng pictures na ikinabigla ng
kanyang pamilya at pumasok pa umano sa kuwarto ng kanyang apo na menor de edad.
Ang mga suspek na nakasuot ng uniporme na may combination na green, brown at black pixelized military design uniform ay dumating sa lugar dakong ala 1:20 ng hapon at binigyan ng limang minuto ang biktima para lisanin ang lugar.
Agad nag-responde ang pulisya at ang mga suspek ay dinala sa BCPO Station 1, para beripikahin ang kanilang mga identity.
Kinilala ang mga miyembro ng CIAG na sina Jessie Natividad Soriano, 55; Irene Caiga Quinan, 35; Roberto Aquino Surro, 61;Serafin Escobar Santos, 46;Doot Lucio Beroña Jr., 52; Geraldine Escuardo Bautista, 53; Arthuro Lucilo Nisperos, 61; Lowegi Cabacas Soriano, 22; Elmer Macanang Calausto, 66; Reno Patuman Mendoza, 34; Ford Castro Alcantara, 47; Armando Tabanyag Biccay, 55; Joselito Francisco Bruno, 50 at Chito Guzman Dizon,60.
Ang kaso ay naisampa noong Nobyembre 2, habang ang mga suspek ay nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.
Zaldy Comanda/ABN

CANDLE LIGHTING

BAGUIO WALK PROJECT

Amianan Balita Ngayon