198 POLICE TRAINEE NAGTAPOS NG BASIC RECRUIT COURSE

BAGUIO CITY

Isangdaan-siyamnaput walong police mula Public Safety Basic Recruit Course (PSBRC) ang nagtapos ng kanilang training at isinagawa ang simpleng graduation rites na ginanap sa Cordillera Administrative Region Training Center (CARTC) Teacher’s Camp, Baguio City,noong Hunyo 7. Ang mga nabanggit na police trainee mula sa Batch 2022-01 “Mabidang” class ay kasalkuyang nasa Field Training Program (FTP) ngayon na makikita sa iba’t ibang police station.

Ang graduation day ay dinaluhan ng Brig.Gen.David Peredo,Jr., regional director ng Police Regional Office Cordillera,bilang Panauhing pandangal at Tagapagsalita. Dinaluhan din ito nina
Col.Leon Talleo, chief ng Regional Special Training Unit (RSTU); CARTC Staff and Tactics na pinamumunuan ni Lt.Col. Avelino Garrido,Jr., acting chief ng CARTC, at ang mga pamilya ng mga police trainees. Bilang highlight ng seremonya, tatlong police trainees ang binigyan ng Certificates of Merit para sa kanilang outstanding performance sa kurso, na sina Pat Allan B Luzano (93.40%);
Pat Khier M Pudoc (92.85%) at Pat Marissa Guinsad (92.09%).

Gayundin, iginawad ang National Police Training Institute Director Leadership Awards kay Pat Clifford Valdez, na nagsilbing Class President, habang si Pat Kyle Ador Cawaing ay nakatanggap ng
parehong parangal para sa paglilingkod bilang Battalion Commander. Sa mensahe ni Peredo,
mariing binati nito ang mga nagsipagtapos para sa kanilang pagsusumikap at sakripisyo at hinikayat silang gamitin ang kanilang natutunan sa tagal ng kurso alinsunod sa 5-focused
agenda ng C, PNP, at ng kanyang DKP program habang sila ay sumasailalim sa isa pang anim na buwan na Field Training Program (FTP).

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon