2 PROYEKTO, NAKATAKDANG PASINAYAAN SA BAGUIO DAY

Photo Caption: CITY HALL HOUR – Nagbigay ng mga updates si City Administrator Engr. Bonifacio Dela Peña, ukol sa mga programa at proyekto ng lungsod sa ginanap na City Hall Hour noong Agosto 2.

Photo by Sonia Nadia B. Botigan/ABN

 

 

BAGUIO CITY

Dalawang proyekto na angkop sa turismo ang inaasahang mapapasinyaan sa Baguio Day celebration sa Setyembre 1, ayon kay City Administrator Engr. Bonifacio dela Peña, sa ginanap na City Hall Hour sa multipurpose hall, Baguio City noong Agosto 2. Ayon kay Dela Peña, ang rehabilitasyon ng Reflection Pool sa Upper Wright Park,na sinimulan noong Enero 9,2023, na target matapos sa loob ng anim na buwan at susuriin pa sa loob ng sampung araw, ay nabinbin dahil sa nagdaang bagyong Egay.

Aniya, napag-desisyunan na papasinayaan na lamang ito para sa publiko,kasama ang rehabilitasyon ng Baguio Post Office Park sa Setyembre 1,kasabay ang pagdiriwang ng Baguio Day.
Lininaw din ni Dela Peña na ang P19 million na budget ng naturang proyekto ay hindi pondo ng city government,kundi grant mula sa pera Bloomberry Company. Dagdag pa niya, hindi sapat ang nasabing halaga para sa colored and lighted fountain. “Kakailanganin ang humigit-kumulang P30 million para pagsabayin ang kulay, ilaw, at musika ng fountain.” Bukod dito, ang landscape sa gilid ng fountain ay hindi sasagutin ng kontraktor, bagkus ang City Environment and Parks Management Office (CEPMO) ang maglalabas ng budget para rito.

Sonia Nadia B. Botigan/UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon