22 KATAO NALAMBAT SA OPLAN SACLEO

BAGUIO CITY – May kabuuang 22 katao na sangkot sa droga,wanted person at loose firearms ang nalambat sa all-out operation ng Baguio City Police Office sa ilalim ng 4-day Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operations (SACLEO) sa lungsod.
Sa kampanya laban sa mga wanted person, 15 ang naaresto base sa warrant of arrest, 4 sa kanila ang Top Most Wanted Persons (TMWPs) sa Station at City Level na may iba’t ibang criminal offense na paglabag sa ay Republic Act 9262, RA 6539, Carnapping at Illegal Recruitment.
Sa 5 drug personalities na nasakote sa buy-bust operations., ay 3 dito ang 3 High Valued Individual at 2 ang Street Level Individual. Nahuli rin sa operasyon ang 2 katao na lumabag at nabigyan ng citation ticket sa pagpapatupad ng Anti-Colorum operation sa buong lungsod.
Samantala, 6 na baril ang boluntaryong isinuko bilang bahagi ng pagtugon ng komunidad sa malawakang kampanya laban sa loose firearms sa isinagawang information drive sa komunidad.
Pinuri ng BCPO City Director Col. Glenn Lonogan, ang lahat ng operating units para sa kanilang mga kahanga-hangang nagawa. Sinabi rin niya na ang buong pwersa ng Baguio’s Finest ay patuloy na mapanatiling protektado ang lungsod sa lahat ng uri ng kriminalidad.

Amianan Balita Ngayon