3 menor de edad, isa pa, nanloob sa Baguio

Aug 27, 2017

Halos P200,000 gamit, tinangay
LUNGSOD NG BAGUIO –  Nadakip ang dalawang  menor de edad habang pinaghahanap ang isa pa at kasama nilang 24 anyos na lalaki matapos na nilooban ng mga ito ang isang kwarto sa tatlong palapag na residential house sa Upper Crystal Cave, Bakakeng Central, lungsod na ito, dakong 9:30 ng gabi noong Agosto 22, 2017.
Kinilala ang isang suspek na si Benjamin Gazmen Tulepa Jr., 24 anyos, na kasama ng tatlong menor de edad.
Ayon sa imbestigasyon, napag-alaman na sinira ng mga suspek ang metal padlock at door knob ng main door ng nasabing bahay at pinasok ang kuwarto ng biktima na si Antonina Salud Fernandez, 39 anyos, single, call center agent at border ng nasabing bahay.
Tinangay ng mga suspek ang mga gamit ng biktima na: tatlong units ng Casio at G-Shock wrist watch na nagkakahalaga ng P19,500; Rado wrist watch, P50,000; Swatch wrist watch, P7,000; Kenneth Cole wrist watch, P5,000; Silver wrist watch, P5,000; Lenovo laptop, P40,000; Sony Action camera, P19,500; Fokuda 32 inches TV, P7,000; terabyte external drive, P4,000; 500 gigabyte external drive, P3,000; Apple IPOD 4th Gen 32 gigabyte, P2,500; electric stove, P2,000; TV Plus, P1,500; dalawang DC rubber shoes, P12,000; Dexter rubber shoes, P500; bluetooth speaker, P500; unused assorted shirts, P3,000; gray Nike bag, P1,500; dalawang rechargeable lights, P200; at cash na P3,000.
Sa panayam kay Virgina Paulino, 36 anyos, sa katabing kuwarto ng biktima, inihayag nito na sa pagitan ng 11am hanggang 12:30pm ng nasabing araw, nakita niya ang apat na kalalakihan, umuupa rin sa isa pang kuwarto, at kahina-hinala ang kanilang mga galaw na sumisilip sa bintana ng kuwarto ng biktima.
Ang dalawang suspek ay lumabas at nag-umpisang magtapon ng mga empty boxes ng sapatos sa may gumamela plants kaharap ng kaniyang tindahan, at dito napag-alaman na gamit ang mga ito ng biktima.
Nahuli ang dalawang menor de edad at dinala sa DSWD, samantalang si Tulepa Jr. at isa pang menor de edad ay nakatakas.
Matatandaan na noong nakaraang taon ay inihain ni House Speaker Pantaleon Alvarez ang isang panukala upang pababain ang edad ng mga batang maaaring ikulong. Bago matapos ang 2016 ay anim na panukala ang isinusulong sa Kongreso upang amyendahan ang Republic Act 9344 o Juvenile Justice and Welfare Act (JJWA) upang ibaba sa 9anyos ang minimum age ng criminal liability mula sa 15anyos.
Ang mga panukalang ito ay umani ng batikos at pagkondena mula sa iba’t ibang grupo sa buong bansa hanggang noong unang quarter ngayong taon.Iginiit ng Department of Social Welfare and Development na ang pagpapababa sa edad ng may criminal liability ay hindi sagot upang mapababa ang mga nagaganap na krimen. ABN

RELATED POSTS

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa...

LATEST NEWS

BAGUIO TOURIST ARRIVAL UMABOT SA 1.2 MILLION NGAYONG TAON

LUNGSOD NG BAGUIO – Tinatayang umabot na sa 1.2 milyong o’ 150,000 kada-buwan ang bilang ng mga turista na dumadagsa sa Summer Capital mula noong Marso hanggang buwan ng Nobyembre ngayon taon. Iniulat ni Supervising City Tourism Officer Engr Aloysius Mapalo, na ang...

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

LIGHTING OF CITY’S CHRISTMAS TREE

“ An Enchanting Baguio Christmas “ activities. The Annual Yuletide Extravaganza brings happiness and colorful events after more than two year’s due to the COVID-19 Disease. Mayor Benjamin B. Magalong led the Switching of the Christmas Tree with Congressman Mark Go,...

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

PHILIPPINE FLAG CARRIER OPENS BAGUIO TO CEBU FLIGHT

Philippine Airline company gears up to reopen its regular flight from Baguio City to Cebu on December 16, 2022 . Starting with Four Flight per Week, the pioneer PAL service links the City of Pines with the commercial heart of Visayas Region for the first time. In...

31 NA DRUG PUSHERS TINUTUGIS SA BAGUIO

BAGUIO CITY – Tatlungpu’t isang drug personalities na kabilang sa regional at city high value drug personalities ang kasalukuyang nasa manhunt operation ng pulisya at ng Philippine Drug Enforcement Agency na pinaniniwalaang nagtatago sa iba’t ibang barangay sa lungsod...

BAGUIO OPENS YULITIDE WITH MAMMOTH CROWDS

BAGUIO CITY - Crowds gathered in a post pandemic show of lights and sound which officially opened the Yuletide in the City of Pines. Hundreds lined the city’s main thoroughfares Thursday evening to witness the symbolic lighting of the city Christmas tree which kicked...

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest