3 menor de edad nailigtas sa kidnaper sa Benguet

LA TRINIDAD, Benguet — Mabilis na nabawi ng mga alertong tauhan ng Benguet Provincial Police Office ang tatlong menor de edad na kinidnap ng isang construction worker, matapos matunton ang kanyang pinagtataguan sa Sitio Tuwap, Barangay Gunatdang, Itogon, Benguet.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director, kinasuhan na ang Kidnapping of minors at paglabag RA 8353 in relation to RA 7610, ang nadakip na suspek na siRogelio Fernandez, 48, single, construction worker at nakatira sa Minac, Tuding, Itogon, Benguet.
Ayon kay Ragay, ang tatlong menor de edad (hindi pinabanggit ang pangalan) ay nakipaglaro sa kanilang mga kaibigan, kasama ang suspek dakong alas 10:00 ng umaga ng Mayo 18, subalit ang tatlong bata ay hindi nakabalik sa kani-kanilang bahay.
Sa pag-report g mga magulang ng mga bata sa Itogon Municipal Police Station, ay agad na nagsagawa ng imbestigasyon, hanggang matunton nila kinabukasan ng umaga ang pinagtataguan ng suspek, kasama ang tatlong bata.
Samantala, dalawang drug peddler naman ang nadakip na kinilalang sina Jereliniel Dela Cruz Cabungkal, na nasakote sa may Mamaga, Balili, La Trinidad, Benguet at Leonard Killi Tauli, na nahuli naman sa Poblacion, Tuba, Benguet.
May kabuuang dalawang sachets of suspected shabu, isang Cloudfone touchscreen cellular phone, Samsung touch screen cellular phone, P1,000 buy-bust money, and P3,000 boodle money, ang nakumpiska sa mga suspek.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon