5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

Sep 24, 2022

CAMP DANGWA, Benguet — Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa
magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong Setyembre 20. BGen.Mafelino Bazar, regional director ng Police Regional Office-Cordillera, kinilala ang mga naarestong
suspek na sina Ivan Estillo, 36; Michael Galano, 37; Richard Narbonita, 37; Krystle Villafranca, 36 at Philip Billedo, 37.

Sina Estillo at Galano ay inaresto ng mga operatiba ng Baguio City Police Office matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 4.42 gramo ang bigat na may Standard Drug Price na aabot sa P30,056.00 habang ang isa pang sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 2.69 gramo. na may SDP na P18,292.00 ay nakumpiska sa kanilang pag-aari.

Isa pang drug suspect na si Narbonita ang inaresto ng mga operatiba ng Baguio CPO matapos itong magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na humigit-kumulang 0.34 gramo ang bigat at may
SDP na P2,312.00 sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Guisad. Sa Abra, inaresto ng mga
operatiba ng Abra Police Provincial Office (PPO) ang mga suspek na sina Villafranca at Billedo matapos magbenta ng isang sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 0.16 gramo ang bigat na may SDP na P1, 088.00 habang isang sachet ng hinihinalang shabu na humigitkumulang 0.30 gramo. na may
SDP na P2,040.00 ay nakumpiska sa kanilang pagaari.

Ang pagmamarka at pagimbentaryo ng mga nakuhang ebidensya ay ginawa on-site sa presensya ng mga
naarestong suspek at sinaksihan ng mga kinatawan ng Department of Justice (DOJ), media, at mga halal na opisyal ng barangay. Ang mga suspek at mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa kustodiya ng
kinauukulang operating units para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.

Zaldy Comanda/ABN

RELATED POSTS

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd...

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest