5 Lugar sa Cordillera extended bilang MGCQ

BAGUIO CITY, July 1(PIA) – Limang lugar sa buong Cordillera ang muling isina ilalim sa Modified General Community Quarantine dahil na rin sa paunti-unting kasong lumalabas ng COVID-19 mula July 1 hanggang 15 ng taong kasalukuyan.
Matatandaan na nagbigay ng deklarasyon si Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang gabi na ilagay sa MGCQ ang mga probinsya o syudad na may kaunting kaso ng COVID-19 sa ilalim ng MGCQ at ilagay naman sa GCQ ang mga lugar sa banasa na may mataas ng kaso ng COVID-19 hanggang July 15, 2020.
Sa Cordillera ang mga nabigyan ng extension ng MGCQ ay ang Baguio City, Apayao, Ifugao, Kalinga at Mt.Province, tanging ang lalawigan ng Benguet ang nasa GCQ dahil sa may mag bagong kaso ng CIVID-19.
Ayon kay Duter “Under Resolution No. 48 of the Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases, risk classification of provinces, highly urbanized cities and independent component cities is based on case doubling time and critical care utilization rate”.
Nagbabala rin si Duterte sa mga mamayan na huwag ng lalabas ng bahay kung hindi naman importate ang lalakarin ito ay upang maiwasan ang pagkahawa sa mga taong hindi natin alam na may sakit na ng COVID-19.
“Idinagdag pa niya na paglalabas ng bahay dapat sundin ang protocol order na magsuot ng face mask, magdala ng alcohol at laging ugaliin ang “physical distancing”. Sa ulat ng Department of health nitong July 1, 2020 sa Cordillera may naitalang 116 na confirmed na kaso at 89 na katao ang gumaling at dalawa ang naiulat na namatay.
Samanatla may 25 na active cases, sa Abra 2, Apayao 6, Benguet 5, Baguio City 8, Ifugao 3 Kalinga 1 tanging ang lalawigan ng Mt.Province ang walang kaso ngayon dahil gumaling na ang nag-iisang kaso ng COVID sa kanilang lalawigan.
Idinagdag pa ng DOH-CAR na ang lalawigan ng Benguet ay may 38 na confirmed na kaso ng COVID-19 at may gumaling naman na 30 na pasyente. At may 8 pasyente pa ng natitirang ginagamot sa ngayon. Samanatal sa loob naman ng Sto Nino hospital sinabi ng DOH-CAR na “stable” na ang kalagayan ng mga pasyente na nanggaling pa sa lalawigan ng Benguet.
PIA-CAR

Amianan Balita Ngayon