55 porsiyento ng eligible population ng Baguio bakunado na laban COVID-19

LUNGSOD NG BAGUIO – Kailangang bakunahan ng Baguio City Health Services Office (CHSO) vaccination team ang bilang ng mga tao upang makamit ang 70 porsiyento at ang ninanais na lubos na pagbabakuna sa 281,000 eligible population ng lungsod.
Ito ang iniulat ni City Health Services Office head Dr. Rowena Galpo sa management committee meeting noong nakaraang linggo, sa presensiya ni Mayor Benjamin Magalong, City Administrator Bonifacio dela Pena at mga department heads.
Mula sa unang vaccination roll-out noong Marso 2021 hanggang katapusan ng Setyembre, may kabuuang 195,124 (69.44%) ang nabigyan ng first dose, may 55,112 (55.20%) fully vaccinated mula sa eligible population na 281,000. May kabuuang 350,236 doses ang naiturok na; ng J and J, Gamaleya, Astrazeneca, Pfizer, Sinovac, at Moderna vaccine na mga brand.
Isang pagbabago sa lingguhang target na pagbabajuna ang kinakailangan dahil layon ng lungsod ang 70% (196,700) full immunization ng 281,000 eligible population, hanggang Nobyembre 6, o ang ika-36 na linggo. Kaya upang makamit ang full immunity ng 196,700; isang minimum na 1,070 second doses ang kinakailangang maiturok arawaraw, na magtatapos sa Nobyembre 6, ani Dr, Galpo.
Ibinase ni Dr. Galpo ang komputasyon mula sa pinakahuling datos kung saan nalagpasan ng pagbabakuna ang lingguhang puntirya na 21,768 para sa lumipas na tatlong sunod-sunod na mga linggo.
Sa nakahandabg mga bakuna, at pagbabakuna na isinasagawa ng masisipag na health workers sa mga open vaccination site; ang puntirya na magkaroon ng 281,000 fully immunized na tao ay tinayang makukumpleto sa Disyembre 4, o sa week 40. Isang lingguhang 22,984 doses ang kailangang maisagawa, ng 9,439 una at 13,485 pangalawang dose mula ngayon hanggang Disyembre 4, paguulat ni Galpo.
Dahil ditto, ang 281,000 o 95% ng 296,460 adult population mula sa 366,000 census-based population ay lubos na mababakunahan. Sa 366,000; 69,500 0 19 porsiyento ay kabilang sa mga 17 taong gulang at pababa.
Hinikayat ni Mayor Magalong ang mamamayan na magpabakuna na kung pagkakataon na nila. Ang pagbabakuna ay isinasagawa sa megasites, na may registration sa 2181.
(JF-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon