6 katao nahuli sa pekeng RT-CPR test, kakasuhan

BAGUIO CITY – Anim sa 12 katao na nahulihan ng ng pekeng RT-CPR test habang papasok sa Quarantine Checkpoint sa Marcos Highway, ang nakatakdang kasuhan ng siyudad ng Baguio.
Ayon kay Mayor Benjamin Magalong, ang anim na suspek suspek ay sasampahan ng kasong Falsification of Document at paglabag sa RA 11332, an act providing policies and prescribing procedures on surveillance and response to notifiable diseases, epidemis and health events of public health concern.
Matatandaan noong Agosto 7, ay pinara sa QCP ang isang private Nissan na may plakang NAM-8925 na minamaneho ni Andrew Anthony Manolotovan, na lulan ang 11 aplikante para sa abroad at may TESDA assestment sa lungsod.
Nabatid kay Capt. Juan Carlos Recluta, chief ng Station 10 ng Baguio City Police Office, dakong alas 11:00 ng umaga, nang parahin sa checkpoint ang van at hinanapan ng travel/medical documents ang mga pasahero.
Ayon kay Recluta, nagduda ang pulisya sa 12 medical certificate, kaya’t agad na dinata ito sa Baguio Convention Center Triage Facility at sa pagsusuri ay napag-alamang anim ang lehitimong RT-CPR test negative results, samantalang ang anim ay pinaniniwalaang peke.
Dahil sa pagdududa, agad isinailalim ni duty nurse Kathleen Mae Pagadut Copes, ang anim sa Antigen test at limitaw na isa sa kanila ay positibo sa coronavirus disease (COVID-19).
Sa imbestigasyon, inamin ng 6 na hindi nila kayang gumastos sa Antigen o RT-CPR test, kaya’t nagpagawa na lang sila ng pekeng medical certificate sa Recto, Manila.
Nakilala ang mga namekeng medical documents na sina James Balides Naing, 21, ng B3 L2 Kamagong St. Commonwealth Quezon City; Princess Lawigan Bernarte, 24, ng B7 L11 PH 2 Sec 12 Pabahay, San Jose del Monte, Bulacan; Evelyn Barcelona Codilla,30, ng Commonwealth Malaybay City, Bukidnon; Mylene Pagobo Eran, 31, ng A-3 Bagong Silang Cavite; Josephine Abne Ogoc, 38, ng Zamboanga City at Milky Chill Candaza, 31.
Ayon naman kay Lt.Col Judy Palicos, chief ng BCPO-Police Community Affairs and Division Unit, dahil sa pagka positibo ng isa ay isinailalim agad sa RT-PCR test ang 11 pa at pawang ilinalagay sa isolation facility sa Pink House Isolation Center sa T. Alonzo, Baguio City, habang inaantay ang test results.
Kinumpirma naman ng TESDA-Cordillera na may assesment silang isasagawa sa 11 aplikante sa Baguio City, dahil nakiusap sila sa Central Office, dahil grabe daw ang pila doon.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon