829 wanted persons huli, crime incidents bumaba sa Baguio

BAGUIO CITY — Iniulat ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pagkakadakip sa kabuuang 829 wanted persons mula Enero hanggang Nobyembre 15, ngayong taon,kabilang ang isang regional top most wanted; isa sa city level; isa sa municipal level at 33 mula sa station level.
Bukod dito, ipinahayag din ni BCPO Director Police ColonelAllen Rae Co, ang pagbaba ng 38 porsiyento ng crime volume incidents sa nasabi ding period na 1,184 less incident in 2019,kumpara sa 3,119 reported noong 2018.
Ayon kay Co, ang pagkakadakip sa mga wanted person na may mga pending warrant of arrest ay malaking tugon para sa peace and order na matagal ng ipinapatupad sa lungsod.
Sa datos ng BCPO, 383 katao ang inaresto sa bisa ng warrantless arrests na sangkot sa iba’t ibang kaso na gaya ng homicide, physical injuries, rape, robbery, theft at iba pang non-index crimes.
“ Ang pagkakadakip sa mga wanted na ito ay mula sa malaking ambag na naitulong ng mgaconcerned citizens, sa pamamagitan ng text at pagtawag sa opisina na agad na inasyunan ng ating kapulisan,” pahayag ni Co.
Sa nabanggit ding period, 38 firearms, na ang 20 ay isinuko at ang 18 ay nakumpiska mula sa 14 na katao mula sa isinagawang search warrant at police checkpoint operations.
Sa crime incidents, bumaba ng 12 percent ang kaso ngphysical injuries; 5 percent sa robbery; 56 percent sa murder; 44 percent sa homicide at 43 percent sa carnapping o’ theft ng motorsiklo.
Ipinahayag din ni Co ang pagbaba 57 percent ng vehicular traffic accidents na 815 ngayong taon,kumpara sa 1,887 accidents noong 2018. “ Bunga ito ng community cooperation, traffic scheme, safety protocols at measures implemented,kabilang ang strategic plans and programs na ipinapatupad ni Mayor Benjie Magalong,para maibsan ang problema sa trapiko sa siyudad”.
Iniulat naman ng Anti-Illegal Drugs Task Force ng BCPO ang kanilang 111 anti-illegal drugs operations, na nag-resulta ng pagkakadakip sa 162 drug pusher at pagkakumpisja ng shabu at marijuana na may DDB value na umaabot sa P6,780,000 ng nasabi ding period.
Labis na ikinasiya naman ni Mayor Magalong ang accomplishment report ng BCPO sa ginanap na flag raising ceremony kamakailan.
Aniya, patunay lamang ito ng kasipagan ng Baguio’s Finest para sa peace and order sa lungsod.” I congratulated BCPO for this, mas maganda kung mas mababa pa ang ating crime volume incidents na siyang inaasahan ng ating mga mamamayan.”.
 
Zaldy Comanda/ABN
 

Amianan Balita Ngayon