836 TESDA scholarship slots, ipagkakaloob sa Baguio at Benguet

LA TRINIDAD, BENGUET – Inilunsad ang kalagayan ng mga scholarship slot ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) pati na din ang kasalukuyang badyet nito kamakailan sa Wangal Provincial Office dito.

Inilahad ni TESDA Provincial Director David B. Bungallon, ang kasalukuyang badyet para sa mga scholarship program sa taong ito na nasa 18 milyong piso.

May apat na scholarship program ang TESDA:
1)”Training for Work
Scholarship Program (TWSP)”;

2)”Special Training for
Employment Program”;

3)”Private Education Student
Financial Assistance (PESFA)”;
at ang

4)”Barangay Kabuhayan
Skills Training Program”.

Ayon kay Bungallon, ang Baguio City ay may 4.2M pisong badyet at ang Benguet naman ay nasa 3.6M piso. Ang badyet ay tiyak na magbabago kapag ang mga pondo ay magamit at maubos ayon kay Bunggalon.

Ayon pa kay Bugallon, mahigit 564 scholarship slots ang planong ipagkaloob sa Baguio at 272 naman sa Benguet para sa taong ito.

Mas mababa ang bilang kumpara sa nakaraang taon kung saan ang Baguio ay mayroong 646 at 489 sa Benguet.

Ayon kay Bungallon, ito ay dahil sa mas mataas na pangangailangan o demand sa mga programang pangagrikultura at mga kursong may kinalaman sa mekanikal.

“Most of the programs and demand here in Benguet are agricultural, tourism, at heavy equipment,” ayon kay Bungallon

“Ang mga programang ito ay mahal, parang sa construction, ang heavy equipment operator ay umaabot ng 15,000 piso, ngayon mas mahal yung programa, lumiit yung slot,” dagdag pa ni Bungallon.

Ang TESDA ay nagbibigay ng mga scholarship slots sa mga accredited schools na dumaan sa proseso ng “Absorptive Capacity” kung saan isinailalim sa audit ang kakayahan ng institusyon sa
pamamahala ng kanilang mga programa.

“These scholarship grants have helped so much of our fellow brothers and sisters in far flung areas of Benguet, I personally have finished my degrees through school scholarships like this, so I know how they feel if there is an opportunity presented,” sabi ni Association of Technical Vocational Institutes of Benguet (ATVIB) president Angeline T. Bugtong. (Ang mga scholarship grants na ito ay nakatulong sa aming mga kapwa kapatid na lalaki at babae sa malayong mga lugar ng Benguet, personal kong natapos ang aking mga degree sa pamamagitan ng mga scholarship sa paaralang tulad nito, kaya alam ko kung ano ang nararamdaman nila kung may pagkakataon).

Si Bugtong ang siya ring kasalukuyang direktor ng Extension Services sa Kings College of the Philippines (KCP).

Samantala, inihayag ni Bungallon na ang mga paparating pang programa, tulad ng mga Serbisyo ng Pharmaceutical ay inaasahan ngayong taon.

Ang TESDA ay maglalathala ng isang kompendyum ng mga programa nito para makita ng publiko, kabilang na din ang mga compliant na mga paaralan.

Inihayag din ni Bungallon ang mensahe ni TESDA secretary Isidro S. Lapena na maipaabot sa lahat ng sektor na naghihintay sa mga programang TESDA at TVET ang mensaheng “sa TESDA abot lahat”.

Reign Peace B. Keryao, UB Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon