96 ANYOS MURDER SUSPEK, HULI SA LOOB NG 33 TAON PAGTATAGO

HINGYON, Ifugao

Isang 96 anyos na lalaki na nagtago sa loob ng 33 taon na suspek sa kasong murder, ang natunton at nadakip ng pulisya sa kanyang pinagtataguan kamakailan sa Sitio Calaoagan, Bascaran, Solano, Nueva Vizcaya. Kinilala ang nadakip na si Balog Pah-e, 96,residente ng Poblacion, Hingyon, Ifugao.
Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Romeo Habbiling, ng Branch 14, Regional Trial Court, Lagawe, Ifugao,ang suspek ay nadakip ng pinagsanib na operatiba ng Ifugao Police Provincial Office, Regional Intelligence Unit-14, Regional Intelligence Division PRO Cordillera, 2nd Benguet PMFC, at Regional Mobile Force Battalion 15.

Ayon sa Police Regional Police-Cordillera, dahil sa matagal nitong pagtatago, ang suspek ay nakatala bilang No. 3 Most Wanted Person sa Regional Level, No. 2 Provincial Level para sa 4th Quarter ng 2023, at No. 1 Municipal Level para sa 3rd Quarter ng 2023. Napag-alaman noong
Marso 1990 ay nagsimula ng magtago matapos ang insidenteng barilin nito at mapatay ang biktima sa Hingyon, Ifugao, na gamit ang isang shotgun.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon