TAYUG, PANGASINAN – Ipinasilip sa publiko ang ipinagmamalaking sunflower maze sa Barangay C. Lichauco ng bayang ito noong Pebrero 17, 2017.
Ang sunflower maze ay nasa tinatayang mahigit 2,100 metro kwadradong taniman mula sa 23 ektaryang pag-aari ng Allied Botanical Corporation (ABC). Tinatayang mahigit 8,000 ang sunflower na naitanim.
Maliban sa sunflower ay iba’t ibang klase ng gulay at halaman ang matatagpuan sa lugar tulad ng lettuce, broccoli, beans at mga halamang tulad ng dill at marigold na nagdagdag ng kulay sa kabuuan ng farm.
Itinayo ang sunflower maze bilang highlight upang mai-promote ang agricultural farm ng mga gulay. Idinagdag lamang ang mga halaman upang makuha ang atensyon ng mga tao.
“Sunflower is just one of the attraction ang pinakamain na showcase talaga namin ay gulay na mga collection and innovation namin tulad ng mga pinakbet na gulay, chapseuy na gulay na makikita din dito sa field” ani Joville Foliente, marketing associate.
Dagdag pa niya, itinaon talaga ang pagbubukas ng sunflower maze sa pagdiriwang ng Panagbenga ng Baguio City upang magsilbing stop over ng mga turistang manonood sa parada. Hinihikayat din niya ang mga grower na magtanim ng sunflower bilang source of income dahil madali itong pagkakitaan.
May entrance fee na P100 bawat tao ngunit P80 kung estudyante.
Samantala, noong Marso 1 ay nagsimulang malanta ang sunflower bloom pero mananatiling bukas ang maze, flower garden, herb patch at mga taniman ng gulay.
Inaasahan na sa ikatlong linggo ng Marso ang second set ng pamumukadkad ng sunflower. Liezel Eunice Callejo, UC Intern / ABN
March 4, 2017
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024
December 8, 2024