Ama na gumahasa sa anak, nadakip sa Benguet

LA TRINIDAD,Benguet – Nabigyan na ng katarungan ang naging kalbaryo ng isang dalagita mula sa kanyang sarili na gumahasa sa kanya ng ng apat na beses, makaraang madakip na ito ng mga tauhan ng Tuba Municipal Police Station.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay, provincial director ng Benguet Provincial Police Office, ang nadakip na suspect na nakilalang si Legaspi Benayan,52, ng Taloy Norte, Tuba,Benguet, ay nasa talaan bilang No.2 Top Most Wanted Person ng lalawigan ng Benguet.
Ayon kay Ragay, bisa ng warrant of arrest na Judge Isagani G. Calderon, ng Branch 8, Presiding Judge, First Judicial Region, Regional Trial Court, La Trinidad, Benguet, sa kasong 4 counts of Rape na walang piyansa, ay nadakip ang suspect ng mga magkakasanib na tauhan ng Tuba MPS, sa pangunguna ni PLt. Leonardo Reves; PIU at PIDMU Benguet, CIDG Benguet at RECU-COR,
noong Enero 28.
Base sa ulat, nagtungo ang biktimang si Ej (hindi tunay na pangalan),19, sa Tuba MPS noong Disyembre 2, 2020 para magsampa ng reklamong panggagahasa sa kanya ng sariling ama.
Ayon kay Ej, una siyang ginahasa noong Nobyembre 26,2020, dakong alas 11:00 ng gabi habang siya ay natutulog sa may sala, Nasundan ito ng pangalawa at pangatlong beses noong Nob.28,dakong alas 8:00 ng gabi at ang ika-apat ay noong Nob.29 dakong alas 10;30 ng gabi.
Napag-alaman sa mga naganap na pang-aabuso ay nasa ilalalim ng kalassingan sa alak an gang suspek at magaganap ang insidente ay pinagbabanatan umano ang biktima na tatagain siya ng itak. Ayon pa kay Ragay, apat pang TMWP (provincial level) at isang municipal level, ang nadakip sa patuloy na Oplan Tugis ng kapulisan.
Nadakip ng Sablan MPS, ang suspek na si Elfrie Akiapas Dongael sa kasong paglabag sa RA 9262 o’ Violence Against Women and their Children,samantalang nasakip naman ng Buguias MPS si Rey Domingo Lingbanan (No. 5 MWP of Benguet) sa kasong Sexual Assault. Sa kasong paglabag sa RA 7610, nadakip naman ng Tublay MPS si Denly Molot Lucas; Nixon Chaligto, na nadakip ng La Trinidad MPS at Reno Patungan Mendoza na nadakip naman ng Itogon MPS.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon