Aplikasyon sa mga lote sa north sanitary camp, bukas na sa mga okupante

LUNGSOD NG BAGUIO – Limapu’t isang residente ng North Sanitary Camp ang nabigyang pagkakataon na mapasapagaari nila ang mga lote na ilang dekada na nilang inookupahan malapit sa Baguio Sewerage Tretament Plant matapos aprubahan ng pamahalaang lungsod ang kanilang aplikasyon para sa disposisyon ng mga nasabing lote pabor sa kanila.
Lumagda ang mga lot allocates noong Martes ng isang Memorandum of Agrrement o Deed of Sale kasama ang pamahalaang lungsod na ikinakatawan ni Mayor Mauricio Domogan at sinaksihan ni City Council Committee on Urban Planning, Lands and Housing na pinamumuuan ni Councilor Edgar Avila at North Sanitary Camp Punong Barangay Virgilio Orca na pinahihintulutan silang bilhin ang mga lote mula sa pamahalaang lungsod.
Sa ilalim ng MOA, ang mga grantee ay maaaring bilhin ang loteng pag-aari ng lungsod na may sukat na 5,554 square meters sa halagang PhP2,500 per square meter o sa kabuuang halaga na PhP13,885,000, ayon sa City Appraisal Committee.
Trinabaho ng committee ni Avila ang proseso ng mga aplikasyon kung saan sinabi niya hinintay ng mga aplikante sa loob ng 15 – 20 taon.
Ang pag-apruba ng lungsod ay sa bisa ng Resolution No, 197 series of 1989 na inaprubahan ang paggawad ng mga lote sa mga okupante at nagbigay daan sa pagsasagawa ng subdivision
survey sa lugar.
Inaprubahan ng city council ang Resolution No. 10 series of 2019 ang pagbebenta at binigyang awtoridad ang mayor upang pumasok sa isang MOA sa mga okupante.
Samantala, sinabi ni Avila na 118 na matagal nang residente sa Teacher’s Camp-Cabinet Hill na naapektuhan ng Proclamation 613 o ang “Amending Proclamation No. 290, dated July 18, 1988 which Established the Teachers’ Camp Reservation, Baguio City, by Excluding from its Operation a Portion of the Land Embraced Therein Situated in Res. Sec. “C” and “F”, Baguio City and Reserving the Same for Housing Site Purposes Open for Disposition in Favor of the Actual Occupants” ay naigawad din ang mga lote na matagal na nilang inookupahan.
Noong Marso 28, may kabuuang 100 lot applicants sa San Luis-San Roque area na tumira sa sementeryong pag-aari ng lungsod ay mabibigyan din ng pagkakataong mapasakanila ang mga lote.
Ang makukuhang halaga sa pagbebenta ay gagamitin sa pagbili ng lote para sa bagong sementeryo.
 
APR-PIO/PMCJr. (ABN)

Amianan Balita Ngayon