Author: Amianan Balita Ngayon
“PAMAHALAAN INUTIL NGA BA KONTRA E-SABONG?”
July 28, 2024
Inamin mismo ni PAGCOR Chairman Alejandro Tengco na patuloy pa ring namamayagpag ang electronic sabong o e-sabong sa bansa sa kabila ng tagubiling itigil ang kinahumalingang plataporma ng sugal ng mga sabungero, bata man o matanda, noong 2022. Kaya’t pinag-iisipan nang imbes na alagwa ang operasyon nito at walang pakinabang ang pamahalaan sa pamamagitan ng […]
“NANGANGAMOY ELEKSYON NA SA ABRA”
July 21, 2024
Nag umpisa nang mangamoy eleksyon saan man dako ng bansa. Sa katunayan, pinasabugan na nga ng granada ang bahay ng Administrator ng La Paz, Abra madaling araw ng Huwebes nung nakaraang linggo. Swerte’t walang nasaktan, ngunit ang initsang granada sa bahay ni Perfecto “Pope” Cardenas ay gumimbal sa relatibong tahimik nang pamayanan ng Bangued, ang […]
“SALOT SI JDC SA MGA MANGINGISDA NG SUAL AT LABRADOR SA PANGASINAN”
July 13, 2024
Bukod sa salot sa pambansang ekonomiya si JDC dahil sa diesel smuggling nito sa Pangasinan, kinamumuhian din ito ng mga lokal na mangingisda. Siga sa komunidad ang tawag sa kanya dahil mapera at maimpluwensiya dahil sa malaking pinagkakakitaang iligal na operasyon. Inaapak-apakan ni JDC ang dignidad ng mga lokal na mangingisda kung saan siya nagpapadaong […]
“300M PROYEKTONG POPONDOHAN NG WORLD BANK, DINEDMA NG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG LA UNION?”
July 6, 2024
Labis ang pagkadismaya ng mga umaasang magsasaka ng Santol, La Union ang pagka-antala ng P300M Ramut-Puguil farm-to-market road na bahagi ng mga proyektong pangsakahan ng Philippine Rural Development Plan (PRDP) ng Kagawaran ng Agrikultura. Nakakasa nang ibahagi ng World Bank (WB) ang naturang pondo, ngunit tatlong buwan na itong nakabinbin upang aprubahan sa pamamagitan ng […]
“BUKOD-TANGING IPINAPAMALAS NA PAGLILINGKOD SA BENGUET”
June 29, 2024
Bukod-tanging sipag ang ipinapamalas ni Benguet Congressman Eric Go Yap sa paghahagilap ng pondo para sa Benguet General Hospital and Medical Center (BeGH) at iba pang mga pampublikong pagamutan at klinika sa probinsya. Kung dating P10M lamang ang dumadating na pondo sa BeGH kada taon, nitong 2023, umabot sa P248.5M ang natanggap ng BeGH at […]
“SMUGGLING SA PANGASINAN”
June 22, 2024
Tatlo hanggang apat na beses bawat linggo kung iligal na magpadaong si “JDC” ng diesel mula sa malalaking barko sa karagatan ng Lingayen Gulf sa baybaying parte ng pagitan ng Labrador at Sual, Pangasinan. Walang patid ang pagpaparating ni JDC mula sa krudong pinangangalandakan niyang mula sa bidding sa milyong-milyong toneladang diesel na nakaimbak sa […]
“SINASAID NG BENGUET CORPORATION ANG MINERAL SA ITOGON, BENGUET”
June 15, 2024
Mag-iisang buwan na ang barikada ng mga smallscale miners ng DontogManganese Pocket Miners Association (DOMAPMA) kontra sa dambuhalang Benguet Corporation, Inc. (BCI) sa Sitio Dalicno, Barangay Ampucao, Itogon, Benguet. Iginigiit ng mga small-scale miners ang kanilang karapatan sa lupa at kabuhayan laban sa diumano’y pangangamkam ng BCI sa mga natitira pang mineralized areas na hindi […]
“CHINESE SOFTSHELL TURLE O “AHAS-PAGONG”, DALA’Y MALAKING PINSALA”
June 8, 2024
Malaking kapinsalaan sa mga mangingisda at magsasaka ang pananalakay ngayon ng Chinese softshell turtle (Pelodiscus sinensis) o “ahas-pagong” sa San Juan, La Union at pati na rin mga karatig-bayan. Tinuturing ng DENR Biodiversity Management Bureau na invasive alien specie ang “ahaspagong”, na nagmula pa sa mainland China at Mongolia. Sa madaling salita, peste. Mabilis ang […]
“PATULOY ANG PAGNANAKAW NG LUPA SA ZAMBALES”
June 1, 2024
Namataan ang Chinese dredger “HONG FA 158” sa bayan ng Bucao, Zambales habang nagsasagawa ng public consultation ang mga kagawad ng Kongreso sa mga mamamayan sa Masinloc, Zambales nitong Huwebes at Biyernes ukol sa mga isyu sa West Philippine Sea (WPS). Liwanagin natin na ang “HONG FA 158”, ay pinatatakbo diumano ng China Harbour Engineering […]
“MALA-PELIKULANG GANAP SA BULACAN”
May 26, 2024
Tila nawala na ang paghanga kay Bulacan Governor Daniel Fernando ng mga “fans” niya mula sa Cagayan province hanggang sa mga provinsya ng Gitnang Luzon, lalo na sa Zambales na kapitbahay lamang ng kanyang probinsya. Napag-uusapan kasi sa mga Kapitolyo ng mga nasabing lalawigan ang isinampang graft case sa Ombudsman laban sa kanya, pati ang […]
Page 5 of 45« First«...34567...»Last »