Baguio Communication Industry Board

Inorganisa ng University of the Cordilleras (UC) ang kauna-unahang roundtable ng Baguio Communication Industry Board para talakayin ang Academic Program Curriculum ng institusyon at iba pang mga paksa, sa pag-asang lalo pang mapa-igting ang nasabing programa at maibigay ang mga pangangailangan ng industry partners mula sa kanilang mga estudyante.
Kabilang sa round table ang mga kinatawan ng iba’t-ibang mga industry partner, mula kaliwa: William Garado, Jr. ng UC Communication Society; Joseph B. Zambrano ng PIA-CAR; Randy Benigno ng Vision Works Sound System; Jeffrey Jose ng UBC Media Ministries, Inc.; Jasmine Jacer ng MPBC; Merriam JS del Rosario ng ABN; UC-CAS Communication Department Head Naomi B. Boac; Katherine Fiona Abellera ng K-lite; Board Chairman Eddie “Edong” Karta ng E-Carta Productions; BCBC President Jordan Tablac ng Bombo Radyo; at Patrick Santiago, Faculty ng UC College of Arts and Sciences. Kabilang din sa roundtable ang decano ng UC-CAS na si Dr. Roldan C. Ta-a at si Dhobie de Guzman ng ABS-CBN. Ang roundtable ay ginanap noong Huwebes, Marso 14 sa UC BRS Function Hall.
 
MJSdelRosario/ABN

Amianan Balita Ngayon