Baguio irarandom test ang 300k na residente

LUNGSOD NG BAGUIO – Sinabi ni Mayor Benjamin Magalong noong Martes na pinupuntirya nila na magsagawa ng isang polymerase chain reaction (PCR) test sa 300,000 residente upang makita ang tunay na sitwasyon ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) dito.

“Nagra-random tayo, 10 percent kasi hindi naman pwedeng lahat,” ani Magalong.

Nasa 120,000 ang voting population ng Baguio.

“Hindi natin malalaman, mabuti na lang nagkaroon tayo ng random PCR t e s t s a j a i l . Talagang naka schedule doon so yun ang nangyari doon,” pahayag ni Magalong sa isang panayam.

Nakapagproseso ang Baguio General Hospital and Medical Center ng nasa 4,000 swab test mula sa lungsod.

Maliban sa PCR testing ay sinabi ni Magalong na tumutulong ang city health office sa testing sa pagsasagawa ng random rapid diagnostic tests, at ang mag nagpositibo ay sasailalim sa PCR.

Dahil sa kakulangan ng mga suplay ay nakatali ang lungsod sa mga alituntunin ng Department of Health (DOH) hinggil sa PCR testing.

“DOH decides, they know better sino ba ang high risk, moderate risk, ayaw kong pangunahan dahil may rules sila although sometimes, natatanong ko sila, like yung recent, kung na PCR ba ang mga pulis, jail personnel. I tell them let’s do a PCR test at the jail, the garbage collectors,” ani Magalong.

Sinabi ni Magalong na hihingin na nila ngayon na lahat ng returning Baguio residents (RBR) at mga manggagawa ay sasailalim sa X-ray.

“Ire-require na namin ang pag X-ray na lahat kaya nga magdedeploy pa kami na X-ray kasi kahit na sinasabi namin na wag ng dumating ng gabi pero may dumarating ng gabi kaya mag lalagay na ng X-ray para 24 hours yung X-ray natin,” aniya.

Sinabi ni Magalong na ilang RBR at bumabalik na mga manggagawa ay dumarating na 900 sa kanila ay nasa lungsod na at nasa 19,000 pa ang inaasahan.

“Ilang dyan ang potentially mayroong sakit dyan,” ani ng mayor.

Sinabi niya na sa 1,048 construction workers na pinayagang bumalik sa trabaho sa mga kritikal na imprastruktura mula Mayo 27 hanggang 27, mayroong 11.9 porsiyento ang natuklasang may pneumonia, sakit sa puso, at tuberculosis.

May kakayahan pa ang BGHMC na magsagawa ng 17,000 tests, na siyang tinatayang available test kits kung saan madadagdagan sa katapusan ng buwan.

LA-PNA/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon