Barangay Treasurer, tiklo sa droga

TABUK CITY, Kalinga – Natimbog ang isang barangay treasurer na matagal ng sinusubaybayan sa pagbebenta nito ng illegal drugs, matapos ang isinagawang search operation ng mga tauhan ng Tabuk City Police Station at PDEA-Kalinga sa kanyang bahay sa Baranbay Malin-awa,Tabuk City, Kalinga.
Nabatid kay Tabuk City PS Chief of Police Radino Belly, ang nadakip ay si Marcelino Bumon-as Gud-ay,59, na nasa listahan ng High Value Individual (HVI) drug personality sa siyudad.
Ayon kay Belly, ang mga operatiba ng drug enforcement unit ay nagsagawa ng search warrant na inisyu ng korte, matapos makatanggap ng impormasyon na may itinatago itong droga sa kanyang bahay.
Narekober ng pulisya sa loob bahay ng suspek ang isang heat sealed transparent plastic sachet ng shabu, 13 pieces small heat sealed plastic ng ng shabu sa loob ng isang red pouch; 12 pieces small heat-sealed plastic na naglalaman ng shabu mula sa isang small box ng mentos, isang small heat sealed ng shabu sa nakalagay sa casing ng Huawei android phone, isang lighter, isang improvised tooter, four strips of foil at isang roll ng unused foil.
Ang mga nakumpiskan shabu ay may kabuuang 5 gramo na may Standard Drug Value na P34,000.00. Ang search operation ay sinaksihan ng ka-barangay ng suspek na mga kagawad barangay Malin-awa, a representative from DOJ at media representative.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon