Benguet cops nakaiskor ng P4 milyon marijuana sa checkpoint

LA TRINIDAD, Benguet – Muling nakaiskor ang mga alertong tauhan ng Benguet Provincial Police Office ng mga marijuana bricks na may halagang P2/4 milyon mula sa checkpoint sa bayan ng
Tublay,Benguet noong hapon ng Nobyembre 20.
Nabatid kay Police Colonel Elmer Ragay,provincial director, bukod sa marijuana ay nasakote ang dalawang newly identified drug personality na sina Jevie Malipot Pabia, 34 at Rommel
Manuel Barrientos,39, kapuwa taga Dasmarinas, Cavite.
Ayon kay Ragay, nagsasagawa ng COVID-19 Quarantine Checkpoint ang tauhan ng Tublay MPS sa may Sitio Betwag, Caponga, Tublay, Benguet, dakong alas 2:00 ng hapon, nang akatanggap sila ng text message mula sa isang Barangay Tanod ng Barangay Ambongdolan , na isang white Nissan Van na may plakang NFW 7312 na lulan ng dalawang katao, na galling sa bayan ng Bakun at nagtanong kung saan ang daan patungong Baguio City.
Habang papalapit sa checkpoint ang van ay namataan ito na tangkang bubuwelta, kaya’t agad silang pinahinto.
Agad na sinuro ng police personnel ang kanilang Travel Authority of the passengers, pero ito ay out of jurisdiction.
Nakita ang isang pasahero na mabilis na lumipat sa second seat ng van at tinatakpan ang isang black garbage bag, kaya’t inatasan silang lumabas ng sasakyan at buksan ng pintuan nito. Sa tulong ng K9 ay napag-alaman na ang laman ng bag ay marijuana,kaya agad nakipagcoordinate ang pulisya sa PDEA saksihan ang imbertaryo. Nakita sa loog ng garbage ang bag ang 20 piraso ng marijuana leaves in tubular form, na may timbang isang kilo bawat isa at may DDB value na P2.4 million.
Noong Nobyembre 19, nakumpiska ng Bokod MPS at PDEA ang 14 kilo ng marijuana bricks na may halagang P1.6 milyon sa may Adonot, Ambuklao, Bokod, Benguet. Itinimbre ni Barangay Tanod Danly Colegieo sa pulisya na ang mga marijuana ay nakitang inabandona sa isang passenger van na may plakang LP ZJC 157 na minamaneho ni Genaro Lamsis mula sa Tabuk City.
Ini-inspeksyon umano ng drayber ang bagahe na kanyang van nang makita niya ang isang karton nawalang marking at nang siyasatin ay naglalaman ito ng mga marijuana bricks.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon