BENGUET NAKAPAGHALAL NG REGULAR KONGRESMAN, BETBET FONGWAN, NANGUNA SA DISTRICT II

LA TRINIDAD, Benguet – Opisyal ng Congressman ng lalawigan ng Benguet si dating ACT-CIS (Anti-Crime and Terrorism Community Involvement and Support) Partylist Representative Eric Yap, matapos makukakuha ng landslide victory sa eleksyon sa lalawigan.
Si Yap ay ay itianalaga bilang caretaker ng Benguet noong Enero 29,2020 makaraang pumanaw si Congressman Nestor Fongwan,Sr.,noong 2019.
Mula noon, ibinuhos niya ang kanyang dedikasyon sa lalawigan sa pamamagitan ng mga programa,proyekto na inihatid at ginawa nito sa mga remote areas na hindi napagtuunan ng pansin sa mga nagdaang adinistrasyon ay labis na ikinasiya ng mga mamamayan na ngayon lang nila naramdaman.
Ang Benguet ay kinabibilangan ng tatlong tribo, na pinagsama-samang tinutukoy bilang mga Igorot. Ang Ibaloi sa timog silangan, ang Kankanai sa hilagang-kanluran at ang Kalanguya sa silangan, na mula noon naging solido sa pagpili ng kanilang kandidato na dapat ay “kakailyans”(kababayan)
Sa kauna-unahang political history sa Benguet ay si Yap, na nag-migrate sa lalawigan ang kauna-unahang naging Congressman ng lalawigan.
Sa paunugkulan nito bilang caretaker,hanggang sa panhon ng pangangampanya ay sinabi nito “ Hindi man ako purong taga Benguet ay agad kong natutunang mahalin ang lalawigan,dahil nakita ko ang mga pangangailangan ng mga mamamayan at handa kong gawin ang magsilbi at maisagawa ang mga programa at proyekto tungo sa maunlad na lalawigan.”
“ Sa ngayon hindi mahalaga kung taga-saan ka, ang mahalaga ay may pagmamahal ka sa iyong kinalalagyan.Nakita namin sa kanya (Yap) ang dedikasyon nito na tulungan na maingat ang kabuhayan at mapaunlad pa ang lalawigan.Nakita din namin ang kanyang malasakit na puntahan sa unang pagkakataon ang mga remote areas para makapagsagawa ng mga proyekto, kaya siguro binigyan siya ng pagkakataon na maipagpatuloy ang kanyang magagandang programa sa aming lalawigan,” pahayag ng isang taga-Benguet na ayaw ipabanggit ang pangalan.
Si Yap nakakuha ng landslide victory sa botong 123,801 kontra sa mga katungali nito na sina Itogon Mayor Victor Palangdan-71,200; Sammy Paran-4,457 at Keith Thorsson-2,162.
Ang ka-tandem nitong si Gov.Melchor Diclas ay tuloy ang serbisyo sa ikalawangtermino, matapos makakuha din ng landslide votes na 112,345,samantalang ang first timer na si Marie Rose Fongwan-Kepes, anak ni dating Congressman Nestor Fongwan,Jr., ang nakakuha din ng landslide vote na 61,195 na naging No.1 board member ng ikalawang distrito ng Benguet.
“Gaya ng pag-iikot ko sa aking distrito ay unti-unti kong tutuparin ang mga pinaplano ko para maingat ang kabuhayan ng magsasaka, mga livelihood program at projects at pagpapaunlad ng ating turismo. Legacy ito ng Papa ko na gusto kong ituloy kaya pumasok ako sa pulitika,para makapagsilbi ng husto sa aking mga kababayan,” pahayag pa ni Kepes.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon