Tsismis at sampay pan-y, dapat bang ipagbawal?

Feb 10, 2019

Usap-usapan na kamakailan hindi lang sa Pilipinas, baka buong mundo na ang nakitsismis sa dalawang usaping pumutok mula sa Baguio City kamakailan.Grabeng pinag-usapan saan mang sulok na may umpukan lalo na sa hanay ng mga tsismoso at tsismosa sa lipunan. Pero teka lang mga pards, bati muna kami ng Happy New Year sa lahat ng ating mga kababayang Chinese. Ngayon, balik tsismis tayo at isasama na natin ang hinggil sa pagsasampayng underwear lalo na ang mga pan-y ng mga kababaihan:

Isang barangay sa Baguioang gumawa ng kakaibang barangay ordinance nila kung saan ipinagbabawal doon ang pagsasampay ng underwear lalo iyong mga gamit ng babae sa mga lugal na bulgar sa mata ng tao. Ang malaking tanong ay – Bakit? Sala-salabat ang reaksiyon ng mga nakausap natin. Noon pa raw panahon ni late Mayor Luis Lardizabal, ibinawal na ang mga kung anoanong sampay lalo na sa mga tabi ng mga daan. Nakakaasiwa raw tignan lalo kung ang mga yan ay mga underwear. Nakakademonyo raw sabi naman ng ilang kalalakihan. Bulong naman ng ilang mahilig: nakakakilig daw pagmasdan.

Yong iba nga raw ay nagnanakaw pa ng underwear (pan-y) na na-feature pa nga sa TV kamakailan at isinuot pa sa ulo ang ninakaw na saplot ng babae. He he, di natin alam kung bakit. Ang siste, sa mga boarding houses na walang mapagsasampayan ng labada, sa labas na lang ng bintana nakasampay ang kanilang nilabhan kasama na siyempre ang mga underwear. At kung bulgar ito sa mga tao sa kalsada, tiyak na pinagpipiyestahan at paguusapan.

Lalo raw kung luma na ang sampay at may pigtaspa ang garter. Maryusep!

May mga gamit kasi tayong di natin nabubusisi kung minsan. Butas-butas na, di pa itapon at bumili ng bago. Baka naman may sentimental value, sabi nila. Yan ang mga loyalistang underwear. Sabi ng mga moralista, eekkk kadiri! Upak naman ng mga praktikal: eh bakit sa wagwagan, salasalabat ang mga nakasampay na underwear. Gamit na, ibebenta pa ang mga saplot na yan, di ba? Bakit hindi ipagbawal? Ah, ewan, kanyakanya tayo ng pananaw, mga pards. Suhestiyon: mas maigi kung gumawa naman ng sampayan na hindi lantad sa tao lalo na kung mga underwears ang isasabit. Itago naman nang kaunti kasi kung kakilala mo ang may-ari ng saplot na yon, at nasalubong daw sa daan, medyo makakapag-isip ka ng iba, di ba? Baka nadedemonyo kang mambastos. So para iwas ganyang eksena, ayusin na lang. Buti nga sa barangay pa lang yan, eh kung nationwide na? Ngak!

Balik bawal tsismis tayo. Isa ring barangay ng Baguio ang gumawa ng panuntunan doon. Di natin sigurado kung may multa pa. Ayon sa rason: ito raw ay upang maiwasan ang mga di kanais-nais na eksena. Marami kasing nag-aaway dahil lamang sa tsismis. Sa tsismis kasi nagmumula ang mga kasiraan ng tao. Sa halip na ang pag-usapan ay kung papano uunlad, mapupunta ang tsismisan sa kasiraan ng gusto nilang siraing tao. Suma total, inggit ang bagsak ng tsismisan. Hindi lang personal na bagay ang gustong-gustong itsismis kundi lahat na under the sun upang may mapag-usapan lang. O, di ba, dahil lang sa tsismis na nauwing pekeng balita, patay na raw si Pres. Duterte. Maryusep! Yan ay gawain ng mga taong walang magawa. Yon bang magkakatrangkaso kung walang maitsismis. Kaya sabi ng marami, dapat nga eh buong bansa na ang implementasyon sa pagbabawal ng tsismisan para madala na ang mga tsismoso’t tsismosa. Upak nga ng mga moralista: tama lang na maparusahan ang mga nagtsitsismis. E, pano kung totoo naman ang tsismis? He he, sige, wala nang oras. Makikitsismis muna kami! Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

BAGUIO MARKET EMPLOYEES SUED IN “KWARTAIS” SCANDAL HIKES TO 14

BAGUIO CITY - Three more employees of the Baguio City government assigned at the public market as collectors of arrival fees or ‘kwartais’ were charged with malversation with falsification of public documents and falsification by public officers, jumping to 14 sued in...

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

TUBA 7TH AVA FESTIVAL

Adding-attractions to One Town, One Product (OTOP), Mayor Clarita Sal-ongan and indigenous farmers proudly show locally grown ava (taro) product during the opening of the festival held on Sept 26 at the municipal grounds. Tuba officials show unity promoting the...

ZERO BACKLOG ITI KASKASO TI AGRARIO MATAGINAYON ITI DAR ILOCOS

SIUDAD ITI LAOAG – Matagtaginayon iti Department of Agrarian Reform (DAR) iti zero backlog nga estado iti panangipatungpal ti linteg kadagiti kaskaso iti agrario agingga iti maikatlo a kakapat iti daytoy a tawen. Ipatpatungpal ti ahensia iti zero backlog kadagiti...

GREYHOUND OPERATION

GREYHOUND OPERATION

Nagsagawa ng greyhound operation ang iba’t ibang ahensya at gamit ang sniffing dog para alamin kung itinatagong illegal na droga ang mga Persons Deprive of Liberty (PDL) sa loob ng Baguio City Jail Male Dorm. Walang nakitang droga o pharaphernalia at negatibo din sa...

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

APAT SUSPEK NADAKIP SA PAGPATAY SA LGBTQ TEACHER SA ABRA

Motibo: Land dispute BANGUED, Abra – Natukoy at nadakip na ng pulisya ang apat na suspek na pumatay sa isang guro sa high school na miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual, Transgender, and Queer (LGBTQ) community,sa isinagawang hot pursuit operation,matapos ang krimen...

LOCAL FARMERS CHALLENGED TO PRODUCE ORGANIC PRODUCTS

Tuba’s 7th Ava Festival TUBA, Benguet –Farmers in this town were encouraged to practice organic farming in order to boost and strengthened soil fertility and health benefits of agricultural products. Mayor Clarita Sal-ongan made the call during the Sept. 26 “Kapihan”...

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

130 FAMILIES EVACUATE BECAUSE OF “KARDING”

BAGUIO CITY (September 26, 2022)—Typhoon "Karding" did not directly hit the highland Cordillera though some 139 families in four provinces sought refuge to safer grounds, the social welfare department said. In Abra, 47 families consisting of 156 individuals were...

5 DRUG PERSONALITIES HULI SA BUY-BUST SA BAGUIO, ABRA

CAMP DANGWA, Benguet -- Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang limang drug personalities matapos silang arestuhin sa magkahiwalay na buy-bust operation na isinagawa sa Baguio City at Abra noong...

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

PHILIPPINES- CHINA PHOTO EXHIBIT

A series of photographs was unveiled at SM City Baguio last September 19, 2022. Chinese Embassy's Minister Counselor Wang Yulei, Mayor Benjamin Magalong, SM Assistant Vice President of Operations SM North 1 Jansenn Pe and SM Mall Manager Rona Correa led the unveiling...

PANGASINAN MANGPATAUD ITI SALT CENTER PARA PANAGSIRARAK, PRODUKSION

LINGAYEN, Pangasinan -Asidegen a mangipasdek iti probinsia a gobierno ti Pangasinan iti maysa a salt center iti probinsia tapno mapasayaat iti panagsirarak ken kamaudiananna iti produksion iti asin nga isut naggapuanan iti nagan ti probinsia. Iti maysa nga interbiu...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Pin It on Pinterest