Buhay ng tao, di dapat pag-praktisan!

Feb 10, 2018

Habang sinusulat ang espasyong ito, patuloy ang talakan at banatan kasama na ang sisihan hinggil sa isyu ng Dengvaxia. Naging higanteng usapin na ito sa bansa kundi man buong mundo na. May mga pagbubulgar kasi (sa isinagawang pagkilos ng PAO) upang alamin ang katotohanan sa likod ng kamatayan ng ilang mga kabataang naturukan ng Dengvaxia anti-dengue vaccine. May mga alegasyon, ayon sa kanilang pag-aaral na may kinalaman ang Dengvaxia sa mga kamatayang yan. Bagay na pinabulaanan naman ng mga nababanatang indibidual at grupo ng mga dalubhasa sa bakuna–(UP-PGH). Tsk tsk, sa halip na humupa ang kontrobersiya o bangayan, lalo yatang lumala. Usyusuhin natin mga pards.

**********

Sala-salabat na ang mga kuru-kuro at palabas ng mga nag-iimbestiga sa kamatayan ng mga batang nabakunahan ganoon din sa mga hindi nabakunahan. Ang nagkakaisang kaalaman ay ipinabatid sa madla sa pamamagitan ng mga pagtatanong o hearings sa Kongreso kung saan iniharap dito ang mga opisyales ng Sanofi na siyang  pinagmulan ng Dengvaxia. Napunta pa ang isyu sa bayad-danyos kung saan nagsauli naman ang Sanofi ng mahigit isang bilyong piso para sa mga bakunang hindi nagamit. Pero ang diin ng DOH o pamahalaan na dapat bayaran lahat pati ang mga nagamit na bakuna. Matindi naman ng pagtutol ng Sanofi. Hindi raw nila  isasauli sa kaban ng bayan ang mahigit isang bilyong halaga ng nagamit na bakuna. Ang rason nila: kapag isinauli raw nila ang perang ito ay lalabas na inaamin nila na may kasalanan sila. Mariakusina, pards. Sino bang nagkasala? Sa kanila galing ang gamot na di pa man napu-pruebahang okay ang bakuna ay bakit dinala agad ito at pinagamit sa Pilipinas? Di ba maliwanag may pagkakamali dito? Anong tingin nila sa mga Pilipino, praktisan ng kanilang gawang gamot. Tayo pa ang kinasangkapan sa kanilang palpak na negosyo? Yan ang mga upak ng taumbayan kamakailan!

**********

Nakakabagbag-damdamin ang daing ng mga estudyante at kanilang magulang nang sila’y nag-rally sa harap ng DOH. May isang placard ang ganito ang nakasulat: ILIGTAS SA PANGANIB ANG MGA BATANG BIKTIMA NG DENGVAXIA!”. Sa kabuuan, nariyan ang pakiusap ng mga bata – “ILIGTAS NIYO KAMI”, dahil nga di nila alam kung ano ang mangyayari sa kanila matapos silang mabakunahan. Sa patuloy na imbestigasyon, nabatid ng madla na dapat ang bakuna ay para lang sa mga nagka-dengue na. Pero pati mga hindi pa nagka-dengue, binakunahan din. At sabi nga nila, para bang nagmamadali pa ang pagbabakuna. Lagpas sa walong daang libong estudyante ang nabakunahan. Sa ngayon, may mahigit sa sampu na ang namatay na sinusuri ng mga eksperto para malaman ang totoo. Ang kaso, sa korte pa yata babagsak ang kontrobersiya.

**********

Kamakailan nagkasundo rin ang mga kongresista na imbitahan si dating Pangulong Benigno ‘Noynoy’ Aquino na humarap sa susunod na pagdinig. Sabi nga ni Buhay Partylist Rep. Lito Atienza – “Many people were clamoring. Let’s hear it from him (Aquino) and not from his representative. We invite the president and his Budget Secretary, not representatives.”  Humarap na si Aquino sa Senate Blue Ribbon Committee hearing at ipinagtanggol nito ang pagbili ng gobyerno sa Dengvaxia Vaccine. Para daw sa kapakanan ng mamamayan ito. Kanyang pinahintulutan matapos niyang malaman na hindi raw seasonal ang nasabing sakit at lahat ng uri ng dengue ay narito na sa Pilipinas. Tanong ng marami: may pananagutan ba ang mga matataas na opisyal ng gobyerno sa pangyayaring ito? Kung meron, dapat sa madaling panahon, makita natin ang tunay na hustisya. Dapat walang sasantuhin ang hustisyang iiral. Adios mi amor, ciao, mabalos!

RELATED POSTS

MGA EKSENA BAGO MAG-PASKO

Bakit kaya sa tuwing magpaPasko…laging sumusulpot ang mga luma at bagong mga eksena? May 27 pang araw bago mag- Pasko pero daming GANAPS....

CONTAIN AND ISOLATE

There seems to be no end to the discovery by authorities of various unusual and perhaps illegal activities going on within the New Bilibid...

THE HARVEST CREATIVE COMMUNITY HUB

The Bayo Foundation together with Baguio City proudly presents the HARVEST CommUNITY Hub, a physical space in Baguio’s iconic Botanical...

PAGHAHANDA SA KAPASKUHAN

NITONG BUWAN, naging pasilip ang mga kasayahang inilunsad ng sektor ng turismo, upang mabigyan ng tamang paghahanda ang darating na...

LATEST NEWS

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

ENCHANTED HOLIDAYS AT THE MANOR CAMP JOHN HAY

Camp John Hay Development Corp. President Robert John Sobrepena leads in the lighting of the Christmas Tree and other lightings in the garden of Manor as a signal of the celebration of Enchanted Holidays in the Manor Camp John Hay . Art works of members of the City’s...

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest