CASAVA CAKE ISUSULONG NA MAGING OTOP NG KAPANGA

KAPANGAN, Benguet – May potensyal na maisulong ng Pudong Cassava Growers Association (PuCaGA) na maging One Town One Product (OTOP) ang kanilang munting livelihood sa darating na panahon.
Ang bayan ng Kapangan ay isa 4th class municipality sa lalawigan ng Benguet, na kilala sa mga produktong Pipino (Cucumber), Coffee, Citrus na gaya ng Oranges,Suga at Lemon na ilan lamang sa mga OTOP ng nasabing bayan.
Personal na binisita ni Women Advocate Marie Rose “Betbet” Fongwan- Kepes, ang Barangay Pudong sa Kapangan, na hometown ng kanyang yumaong si Congressman Nestor Fongwan,para tugunan ang isinusulong na livelihood ng PuCaGa.
Ipinagmalaki ni PuCaGa Saturnina Dagas, first cousin mismo ni Cong.Fongwan sa kanyang pamangkin na si Betbet, na sa ngayon ang Kapangan ay mayaman sa tanim na Cassava (Kamoteng Kahoy), na siyang pangunahing livelihood ng mga residente ng Barangay Pudong.
Ipinakita ni Dagas kay Betbet kung paano ang tradisyunal na paggawa ng cassava cake, na bagama’t naibebenta lamang ng P10 bawat slice ay napakalaking karagdagang tulong sa kabuhayan ng barangay.
Ayon kay Dagas, hangad nilang mapa-unlad at mapalago ang kanilang produksyon ng cassava cake sa pamamagitan ng mga makabagong makinarya na makakatulong sa packaging at preserbasyon nito at maisama ito bilang OTOP ng Kapangan.
“ Napakagandang livelihood ito, dahil pagkain, madaling ibenta at mura lamang, kaya agad-agad ay pantawid gutom. Isasama ko sa programa ko na maisulong ang livelihood na ito,hanggang sa maging OTOP ito ng Kapangan,upang maingganyo pa ang ibang residente na mapalakas ang produksyon nito,” pahayag ni Betbet.
Aniya, magagawa niya ang kanyang mga pangarap na maingat ang kalidad ng bawat livelihood association sa lalawigan kapag napasama siya sa kinatawan ng ika-apat na distrito ng Benguet.
“Umaasa pa rin ako na mabibigyan ng atensyon ng ating pamahalaan ang mga maliliit na asosasyon na may potensyal sa kanilang mga livelihood na maingat ang kanilang kalidad upang maging sagana ang lalawigan sa mga produkto mula sa talento ng mga katutubo,” pahayag pa ni Betbet.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon