Ang bawat barangay sa lungsod ay kailangan nang magkaroon ng komite para sa mga taong may kapansanan o persons with disabilities (PWDs). Ito ay matapos isinulong at inaprobahan ng konseho noong ika-22 ng Mayo ang panukalang iniakda ni Councilor Arthur Allad-iw na Ordinance No. 47 series of 2017 na lumikha ng komite sa barangay para […]
Kumpara noong Abril, mas mababa ngayong Mayo ang bilang ng mga arrested drug users at pushers, at ng mga surrenderer dahil sa ilegal na droga base sa tala ng Drug Enforcement Unit ng Baguio City Police Office. Mula Mayo 1 hanggang Mayo 23, umabot sa 13 na sangkot sa ilegal na droga ang naaresto ng […]
Patuloy ang pagpapatupad ng pamahalaang lungsod at ng Baguio City Police Office sa kampanyang pinaiiral ni pangulong Rodrigo R. Duterte na “War against Illegal Drugs” sa bansa. Dahil dito ay isang kampanya ang nilikha ng kapulisan ng Baguio sa pamamagitan ng mga talento ng kabataan na bihasa sa pagkanta at pagtugtog ng mga instrumento ay […]
Ang kampanyang Know Elections Better Superfriends (KEBS) ng Commission on Elections (Comelec) ay hinihikayat ang kabataan na aktibong makilahok sa electoral process upang mabago ang “carefree mentality” sa pagkakaroon ng interes sa pamamagitan ng edukasyon sa pagboto sa pagpili ng tamang mga lider na mamumuno na hindi naisaalang-alang ang interes ng komunidad at ng bansa. […]
Nagtipon-tipon ang ilang mga grupo ng Cordillera upang ipakita kay Pangulong Rody Duterte na sila ay nagkakaisa tungo sa pagkakaroon ng Autonomy sa Cordillera na maglalatag tungo sa Federalismo. Nagpapaliwanag naman si Ruben Dumangin, dating empleyado ng national Economic Development Authority habanag nakikinig naman sina John Blu “Ka Ranger”, Cesar Ocampo, Robert Liwani at ibang […]
Hitting two birds with one stone, the Zero Waste cluster of the “Baguio We Want” group conducted a training on urban gardening to encourage city residents to compost their biodegradable waste, and use the same as soil for urban gardening food production. Becky Tenefrancia, one of the 500 volunteers of the group said that the […]
Tatlong linggo bago muling magbukas ang pasukan ng mga estudyante ay lumakas ang hinaing ng mga residente at motorista dahil laging naitataon sa ganitong panahon ang paghuhukay sa mga kalsada na nagiging perwisyo umano sa mga papasok na mag-aaral at magtatrabaho. “Wala sanang problema kung sa pagsasara ng daraanan ay may ibang ruta na iikutan […]
Inihayag ni PRO-COR regional director PCSupt. Elmo Francis Oco Sarona ang mga ulat matapos magsagawa ng ika-4 na pagpupulong ng Regional Law Enforcement Coordinating Committee (RLECC) na kinabibilangan ng inter-agency ng Cordillera Region sa Baguio City Police Office. Hinangaan ni Sarona ang coordination ng RLECC sa kanilang pagmimintina kung paano pakilusin, lutasin ang mga problema […]
Mariin na sinabi ni Cordillera police regional director PCSupt Elmo Francis Oco Sarona propaganda lamang kaugnay sa naganap na pag-atake at pagkuha ng armas at kagamitan ng isang pulis ng mga hinihinalang miyembro ng New People’s Army na diumano’y nasa ilalim ng operasyon ng Jennifer “Maria” Carino Command sa Buguias, Benguet. Sa panayam ng Amianan […]
Inihayag ni Dr. Jimmy A. Billod, Medical Specialist IV ng Dept. of Obstetrics and Gynecology sa Baguio General Hospital and Medical Center, ang pagtaas ng bilang ng kaso ng cervical cancer. Ayon sa datos ng BGH Census, 50 ang naitalang bagong kaso noong 2016 samantalang umakyat naman sa 60 ang bagong kasong naitala ngayong taon. […]