BAGUIO CITY
Nasakote ng operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG)- Cordillera, ang 52 indibidwal mula sa isang buwang pinaigting na pagpapatupad ng anti-criminality campaign sa buong rehiyon. Sinabi ni CIDG Regional
Director Col. Leon Talleo, na ang mga naarestong indibidwal ay nahuli noong Pebrero 2024. Ayon sa mga ulat, 48
wanted na personalidad ang nadakip sa pagpapatupad ng ‘Oplan Pagtugis’.
Sa mga naarestong indibidwal, lima ang nakalista bilang Top Most Wanted Persons (TMWP), habang 43 ang nakalista bilang wanted person para sa iba’t ibang pagkakasala o’ krimen. Sa limang most wanted personalities (MWP) na naaresto, dalawa ang nakatala bilang Regional MWPs, isa ang Provincial-level MWPs at ang dalawa ay sa Municipal-level MWPs.
Karagdagan pa, tatlong iligal na kolektor ang inaresto kasunod ng pagpapatupad ng “Oplan Bolilyo” o’ anti-illegal gambling, habang ang isa ay inaresto sa pagpapatupad ng “Oplan Olea” o’ ang kampanya laban sa iba pang aktibidad sa pagpapatupad ng batas. Bukod dito, sa kampanya laban sa iligal na refinery, manufacturing, importation, at
retail ng liquefied petroleum gas, o “Oplan Ligas,” nakuha ng mga operatiba ang kabuuang 200 piraso ng walang
laman na LPG Cylinders na may kabuuang halaga na P250,000.00.
Pinuri ni Talleo ang mga operating unit at tiniyak niya sa publiko na pag-iibayuhin ng CIDG-COR ang kanilang
pagsisikap na labanan ang krimen. Hinikayat din niya ang publiko na makipagtulungan sa kanilang mga lokal na opisyal ng pagpapatupad ng batas sa pamamagitan ng pag-uulat ng anumang kahina-hinalang indibidwal o aktibidad sa kanilang mga komunidad.
ZC/ABN
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 12, 2024
October 5, 2024