BAGUIO CITY
Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration
(PAGASA) na posibleng maranasan ang drought sa buong Cordillera sa unang kwarter ng 2024.
Ang drought ay kapag below normal o nabawasan ng 21% hanggang 60% ang rainfall mula sa average rainfall sa magkakasunod na limang buwan o mahigit 60% ang nabawas na ulan mula sa
average rainfall sa magkakasunod na tatlong buwan.
Ang dry spell naman ay kapag below normal ang rainfall conditions sa magkakasunod na tatlong buwan o mahigit sa 60% ang nabawas sa average rainfall sa dalawang magkasunod na buwan. Ito ay kapag nabawasan ng 21% hanggang 60% ang average rainfall sa dalawang magkasunod na buwan. Ayon kay PAGASA Baguio Chief Meteorological Officer Engr. Hilario Esperanza, sa pagtaya ng weather bureau ay nasa meteorological dry spell na ang lahat ng lalawigan ng Cordillera sa pagtatapos ng kasalukuyang taon.
“In our record from November 1 to 23, naka-record lang po tayo ng 18.8 mm [rainfall], ang normal natin ay 96.1 mm, so talagang way below normal po ‘yung ating nakita na nitong November,” si Esperanza. Sa pagtatapos ng Enero 2024 ay posibleng nasa drought na ang Benguet, Ifugao,
Kalinga, Apayao, at Mountain Province habang nasa Sa pagtatapos ng Pebrero hanggang sa Abril ay inaasahan na nasa drought condition na ang lahat ng lalawigan sa rehiyon.
“Luzon talaga ang talagang tatamaan ng drought,” ani Esperanza. Pagdating ng Abril ay tinatayang magkakaroon ng mga pag-ulan ngunit way below normal pa rin o mahigit 60% ang kulang sa normal rainfall. Sa Mayo naman ay magiging near normal o madadagdagan o mababawasan ng 20% ang normal rainfall sa mga lalawigan ng Abra, Kalinga, at Apayao.
Ayon pa sa weather bureau, nasa dalawa hanggang limang bagyo lamang ang inaasahang mabubuo o papasok ng Philippine Area of Responsibility mula Disyembre 2023 hanggang Mayo 2024 kaya asahan ang mas maliit na tsansa ng mga pag-ulan. Una nang inilabas ng PAGASA ang El Niño Advisory No. 5 dahil sa presensiya ng malakas na El Niño sa tropical Pacific kung saan, may mga palatandaan ng lalong paglakas nito sa mga susunod na buwan.
(DEG-PIA CAR)
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024