DedEd at kapulisan, handanghanda na sa balik-eskwela

LUNGSOD NG BAGUIO – Magsisimula na ang klase ngayong Lunes, Hunyo 3 para sa mga pampublikong paaralan lamang, kasabay ang pagiging handa ng Department of Education (DepEd) sa mga sinasakupang mga paaralan sa lungsod.
Kinumpirma ni DepEd Senior Education Program specialist Ellaine Cabuag na handang-handa na sila sa simula ng pasukan ng mga pambulikong paaralan sa elementarya, senior at junior highschool.
Dagdag pa ni Cabuag na sa kadahilanang ang mga pribadong paaralan ay hindi pa natatapos sa kanilang school year ay hindi pa maaring sumabay and mga ito ngayong Lunes.
Labis ang kagalakan ni Cabuag na ibalita na matagumpay ang katatapos na Brigada Eskwela sa lungsod ng Baguio, kaya sinabi niyang handa na ang lahat ng paaralan dito sa lungsod ngayong pagpasok ng klase.
“Very successful po ang implementation ng Brigada Eskwela, especially nakitaan natin ng mga efforts ang ating mga iba’t ibang agencies kagaya ng ating mga kapulisan, mga personnel ng DSWD, at iba pa pong mga agencies ng ating gobyerno,” ani Cabuag sa City Hall Hour noong Martes.
Nagpasalamat din si Cabuag sa mga Local Government Unit (LGU) sa pagbibigay ng 1.5 milyon budget para sa mga proyekto ng Brigada Ekwela ngayong taon.
Sinigurado ni Cabuag na ginagawa nila kasama ang buong DepEd na maibigay ang maayos at tamang serbisyo sa mga mag-aaral at magulang.
Kasama din ang ating kapulisan sa syudad ng Baguio sa pagtaguyod ng isang matiwasay na simula ng klase.
Ayon kay Baguio City Police Office director Allen Rae Co, puspusan ang kanilang paghahanda sa anumang pwedeng mangyaring trahedya.
Inaasahan ni Co na magiging maayos ang pagpasok ng klase ngayong Lunes.
 
Paul Brian T. Baldoza, UC Intern/ABN

Amianan Balita Ngayon