DROWNING PREVENTION, TOPIC SA KAPIHAN SA BAGUIO

BAGUIO CITY

Sa nalalapit na Summer Vacation, mahigpit na pinag-iingat ng Department of Health-Cordillera at ng Philippine Coast Guard ang publiko sa mga insidente ng pagkalunod, na naging topic sa ginanap na Kapihan sa Baguio,
kamakailan. Tinalakay sa usaping Drowning Prevention ang mahahalagang aspeto upang maiwasan ito. Ayon sa ulat ng PCG, wala pang naitalang insidente ng pagkalunod na kinasasangkutan ng mga residente mula sa Cordillera
Administrative Region sa nakalipas na dalawang buwan ng taong 2024.

Upang mapanatili ang kaligtasan sa tubig, ipinaalala ni Coast Guard Ensigne Ivhanne Rillon,ng North Luzon District ang mga mahahalagang mensahe at tips. Kabilang sa mga ito ang pagsisikap na iwasan ang paginom ng alak bago o’ habang nagsi-swimming, ang pangangailangan ng mahigpit na bantay sa mga bata sa tabi ng tubig, at ang pag-aaral ng basic swimming at water safety skills. Dagdag pa rito, mahalaga ring gamitin ang buddy system at magsuot ng life jacket upang mabawasan ang panganib ng pagkalunod, lalo na sa mga natural na water bodies.

Sa datos ng PCG para sa taong 2023, mayroong 12 indibidwal ang nasawi dahil sa pagkalunod, partikular na noong buwan ng Disyembre, noong Christmas season. Ipinapakita rin sa datos na mayroong 50% na pagtaas sa bilang ng mga biktima mula sa Cordillera Administrative Region mula 2022 hanggang 2023. Ang mga impormasyong ito ay mahalagang paalala sa lahat upang maging handa at mag-ingat, lalo na’t papalapit na ang summer vacation.

Irish Montano-UB Intern

Amianan Balita Ngayon