Halos lahat ng barangay sa Baguio maaaring gawin ang sariling disinfection

LUNGSOD NG BAGUIO – Halos lahat ng barangay sa lungsod ngayon ay may kapasidad ng isagawa ang sarili nilang disinfection. Sinabi ni City Health Services Office Sanitation Division Chief Charles Carame na lahat maliban sa walo sa 128 barangay sa lungsod ay nabigyan ng kapasidad at nakomisyon na ng kanilang opisina sa pamamagitan ng isang serye ng in-house decontamination seminars.
Naunang inutusan ni Mayor Benjamin Magalong si Carame na sanayin ang lahat ng barangay sa mga pamamaraan ng dekonataminasyon at ginawa itong isa pang priority preventive strategy upang mahadlangan ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19).
Sinabi ni Carame na ang nasanay na mga grupo ay tinutugunan na ngayon ang pangangailan ng disinfection sa mga barangay sa pamamagitan ng mga opisyal ng barangay at ng Barangay Health Emergency Teams (BHERTs). Upang matulungan ito ay hinikayat niya muli ang mga sambahayan at establisimiyento na isagawa ang sarili nilang regular na disinfections gamit ang mga tip na ipinapakalat ng Cordillera Disaster Risk Reduction Management: 1. Buksan ang mga bintana upang libreng makadaloy ang hangin sa bahay; 2. Paghaluin ang isang bahagi ng bleach at siyan na bahagi ng tubig. Haluin ito ng mabuti at huwag hayaang direktang naka-expose sa init ng araw. 3. Linisin muna ang mga lugar ng detergent soap pagkatapos ay idisinfect gamit ang sprayer na may bleach solution. 4. Gamitin ito sa mga lugar at bagay na laging hinahawakan. Patuyuin sa loob ng 15-30 minuto at punasan.
(APR-PIO/PMCJr.-ABN)

Amianan Balita Ngayon