KABABAIHAN, HEALTH WORKERS, AT MSMEs NAGPASALAMAT KINA SENADOR ALAN AT PIA SA NAPAPANAHONG TULONG

Nasa 1,000 benepisyaryo mula sa mga lalawigan ng Antipolo at Rizal ang nakatanggap ng mahalaga at napapanahong tulong mula sa opisina nina Senador Alan at Pia Cayetano noong March 4, 2024. Sa pagdiriwang ng
Women’s month, nagbigay ng tulong ang tanggapan ni Senadora Pia sa mga kababaihan at pinalakas ang health sector sa Lungsod ng Antipolo. “As barangay health worker po na nakatanggap po ng pinansyal, malaking bagay po ito para sa amin. Salamat po sa patuloy na kalinga sa BSW [Barangay Health Worker],” wika ni Analiza Cabahug, isa sa mga 500 benepisyaryo sa katatapos lang na programa sa Lungsod ng Antipolo.

Bilang isang health worker, responsibilidad ni Analiza na tiyakin na nasa tamang oras ang pag-inom ng bitamina ng mga bata. Binabantayan din niya ang kanilang taas at timbang. Ayon sa kanya, mahalaga ang kanyang tulong na natanggap sa kanyang trabaho. Nakatulong naman kay Cedie Ampol, isa ring barangay health worker sa Lungsod ng
Antipolo, ang tulong na natanggap upang makapagpasimula ng sari-sari store. “Nagpapasalamat ako kay Senator Pia at Senator Alan sa pagbigay sa amin, kahit papaano ay makatulong sa pamilya namin. Sa ganitong program, marami silang natutulungan, hindi lang sa amin, sa ibang tao rin,” sabi niya.

Nakinabang din ang 500 na mga benepisyaryo mula sa Lalawigan ng Rizal na may Micro, Small, at Medium
Enterprises (MSMEs) sa tulong na ipina-abot ng opisina ni Senador Alan upang madagdagan at palakihin ang
kanilang pangkabuhayan. Naisagawa ang programa sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pamamagitan ng kanilang programa na Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS). Layunin ng AICS na mabigyan ng agaran at mahalagang suporta ang mga taong nasa mahirap na sitwasyon upang matulungan sila sa kanilang pagbangon.

Naging matagumpay ang aktibidad sa tulong at partisipasyon nina Rizal Province Governor Nina Ynares, Antipolo City Mayor Jun Ynares, Councilor Susan Say, at Former Mayor Andrea “Andeng” Ynares. Hindi ito ang unang
pagkakataon na nakarating ang magkapatid na senador sa mga lungsod ng Antipolo at Rizal. Noong nakaraang buwan, mahigit 2,000 residente ng Rizal ang nakatanggap din ng mahalagang tulong upang mapalago ang kanilang
kabuhayan.

Amianan Balita Ngayon