Karamihan ng kandidato sa Apayao walang kalaban

LUNGSOD NG BAGUIO – Lahat ng posisyong halal sa probinsiya ng Apayao mula congressman, governor, vice governor at mga miyembro ng provincial board kabilang na ang elective posts ng lima sa pitong bayan mula mayor hanggang sa konsehal ay walang kalaban.
Sa mga tala sa lokal na Commission on Elections (Comelec) ay ipinakita rin na ang laban ay sa mga bayan ng Conner at Sta. Maria lamang, kung saan may higit isa lamang na kandidato ang tumakbong mayor, vice mayor at mga konsehal.
Ang kabiserang bayan ng Luna kabilang ang Calanasan, Flora, Kabugao at Pudtol ay lahat walang lumaban. “What makes Apayao peaceful in terms of election is that they are united. They have this culture of cooperation where they sit and discuss among themselves who vies for a position,” ani Atty. Julia Elenita Tabangin-Capuyan, provincial election officer ng Apayao.
Sinabi ni Tabangin-Capuyan naitalagang Apayao election supervisor sa paguumpisa ng panahon ng eleksiyon noong 2018 na ang kapayapaan sa halalan sa probinsiya ay kinilala bilang pamana ni dating governor Elias Bulut Jr.
Sinabi niya na ilang buwan bago ang panahon ng eleksiyon ay pinag-usapan at nagkasundo ang mga nakaupong opisyal sa mga plano kasama ang mga tatakbong mga politico.
“Probably because the people of Apayao respect the old man Elias Bulut Sr. for what he started in the past when candidates talk about the political situation, they continue the practice until now, especially considering that Apayao had progressed immensely in the last decade making the old man’s name more respectable,” ani Tabangin.
“Sa Apayao, may culture of cooperation. Kakaiba, kasi they will wait for the term of an official para matapos. Walang nagkicriticize at nagsu-suportahan ang lahat. Nadadaan sa pakiusap and pagtakbo sa anumang posisyon,” dagdag niya.
Sinabi niya na ang napagkasunduan sa nasabing pag-uusap kahit hindi ito nakasulat ay iginagalang. “I see it as a form of democracy na maayos, hindi naman bawal tumakbo sa kahit anong posisyon, wala rin nagbabawal pero voluntary na sumusunod ang mga tao.
Walang takutan na nagyayari. Walang kaguluhan. Wala, dahil maayos na napag-uusapan ang lahat at napagkakasunduan ang mga bagay bagay,” ani Tabangin-Capuyan.
Sinabi ni Tabangin-Capuyan na ang Apayao ay may layong 14 oras na biyahe mula Baguio City subalit ang mga daan ay sementado hanggang sa pinakamalayong barangay at ilan ay kasing-lawak ng national road.
“Violence, criminality are non-issues in the Apayao,” aniya. Inaasahan ng Comelec- Apayao ang 60 hanggang 70 porsiyento ng voter turn-out na karaniwan sa probinsiya.
Sa naunang panayam ay sinabi ni Apayao Rep. Eleanor Bulut-Begtang na masaya sila na ipinagpapatuloy ng mga tao sa probinsiya ang paggalang at respeto sa pamana ng kanilang ama.
“The people of Apayao felt pure intention and good work ethics of incumbent officials in serving the community. And I think that is what makes us united and different from other provinces,” aniya.
Sinabi niya na ang mga taong hindi nagkakaisa ay nasasangkot sa away na hinahadlangan nilang mangyari.
“Alam namin na kung hindi kami (magkakaisa), walang mangayayri sa province namin,” ani Begtang. Sinabi niya na ang pangunahing layunin ng administrasyon ay panatilihin ang mapayapang imahe ng probinsiya at palakasin ang ekonomiya nito.
“It is unity that we have here in Apayao. Honestly if the people know that the administration is performing its duties well, they respect them and sometimes they opt to run in lower positions,” aniya.
Sinabi niya na kung may mga bagong politiko ay kalimitang nakikipag-usap sila sa kanila at tinatalakay ang kanilang mga plano.
Siniguro niya na ang pamana ng Bulut ay magpapatuloy upang pamunuan ang tao tungo sap ag-unlad ng ekonomiya. Sinabi ni Bulut-Begtang na ginaya ng kaniyang ama ang kanta ni James Horner na “If we hold on together” upang isalarawan ang kaniyang pagnanais at pangarap para sa kaniyang probinsiya.
Si Bulut ang may akda sa paghihiwalay ng Apayao mula sa probinsiya ng Kalinga na ginawa itong nagsasasriling probinsiya at nabigyan ng pagkakataong umunlad ito sa umpisa.
“Paano kami magkakaroon ng magandang plano or dreams kung di kami iisa. It’s unity that we have in Apayao kaya walang kaming problema during election,” ani Bulut-Begtang.
 
PMG- PNA/PMCJr-ABN

Amianan Balita Ngayon