Magalong bagong alkalde ng Baguio

LUNGSOD NG BAGUIO – Sa unang pagkakataong sumabak sa mundo ng politika at atrasadong nagumpisa sa kampanya, sinabi ni dating heneral ng pulis na si Benjamin B. Magalong na oras na upang “ihatid ang resulta” at sumulong na sa pangako ng isang “paghinga ng preskong hangin” para sa mahigit 400,000 residente ng bulubunduking lungsod.
“The people have a high expectation, so we really have to start hitting the ground,” ani Magalong sa isang panayam ng media matapos siyang iproklama ng Commission on Elections (Comelec) bilang nagwagi sa pagka-mayor bago maghatinggabi noong Mayo 13.
“We are so lucky that the clamor of Baguio is change. At the end of the day, we just simply have to deliver results. Rest assured that I won’t fail you,” aniya.
“Right timing. Tamangtama, breath of fresh air. At the end of the day we just simply have to deliver,” dagdag ni Magalong.
Nanalo rin sina Marquez “Mark” O. Go para sa kaniyang ikalawang termino sa kongreso na tinalo si outgoing Mayor Mauricio Domogan ng 28,409 boto at councilor Faustino A. Olowan na bagong bise-alkalde ng Baguio.
“My only commitment to the people of Baguio is we will strongly and aggressively pursue our strategy and programs to be able to fix the issues affecting Baguio,” pahayag ni Magalong. Nanawagan siya sa mga mamamayan ng Baguio na sama-samang magtrabaho at
makipag-kaisa sa kaniya na sinabing, “there’s a lot of things to be done”.
“Kung kayang pagtuunan ng pansin ng sabay-sabay bakit hindi. Magtulungan tayo (If we can address all the issue at the same time, why not. Let’s work hand in hand),” aniya.
Sinabi niya na bilang bagong alkalde ng lungsod ay ipagpapatuloy niya ang pakikipag-ugnayan sa iba’tibang sektor.
Nagsilbi si Magalong sa Philippine National Police (PNP) sa iba-ibang kapasidad, kapuwa operational at management, sa kaniyang mahigit 38 na taon sa serbisyo.
Pinamunuan din niya ang Philippine National Police (PNP) board of Inquiry na nag-imbestiga sa kaso ng napatay na 44 miyembro ng Special Action Force (SAF 44). Dito nasubok at napatunayan ang kaniyang paninindigan sa katotohan kahit pa nakasalalay ang kaniyang hinaharap sa kapulisan.
Sinabi niya na nais niyang ibalik ang para sa Baguio kung saan intensiyon niyang ipagpatuloy ang pamumuhay kasama ang pamilya.
“There’s no better place to live in for my family than Baguio. I am from Baguio and I will always be a Baguio boy, and I want to give back to the city after serving the nation,” aniya.
Ipinanganak at lumaki sa Baguio, natapos ni Magalong ang kaniyang edukasyon sa Saint Louis University (SLU) at Philippine Military Academy (PMA) kung saan siya ay nagtapos bilang magna cum laude noong 1982.
Matapos magretiro sa serbisyo noong Disyembre 2016 ay nagsilbi naman siyang senior vice president for operations ng Steel Asia Corporation, isa sa mga malalaki at pangunahing kompanya sa Pilipinas.
Inumpisahan ni Magalong ang pagsulong sa politika nang magpila ito ng kaniyang certificate of candidacy sa huling araw noong Oktubre 17, 2018. Sinabi niya na kinonsulta niya ang kaniyang
pamilya at natagalan bago siya magdesisyon kung tatakbo o hindi sa 2019 eleksiyon.
Dahil baguhan ay kailangang ipakilala niya ang sarili nang personal sa mga mamamayan ng Baguio. Sinamantala ni Magalong ang bawat oportunidad na makasama ang mga residente, pakikipagpulong sa iba’t-ibang sektor – inuumpisahan ng maaga ang isang araw at umuuwi ng madaling araw.
Para sa kaniya, ang nakakapanghinang bahagi ay bago at ang kasagsagan ng panahon ng kampanya. Gaya ng ibang kandidato ay nagkulang din siya sa tulog, napagod subalit sinabi niyang sulit naman ang lahat.
“To be honest, I wasn’t expecting the margin would be like this. We pushed ourselves too much. We are so lucky that the clamor is change,” aniya.
 
PNA/PMCJr./ABN

Amianan Balita Ngayon