BAGUIO CITY
Isinusulong ngayon ng Creative Baguio City Council na makuha ang Likha Award: Art Destination of the Year na parangal na kabilang sa pinakamataas na parangal sa ialim ng Philippine Tourism Awards. Ang Likha Award ay isang parangal na iginagawad sa isang tourist destination na tunay na namumukod-tangi bilang isang masiglang sentro ng masining na pagpapahayag at pagdiriwang ng kultura, na nagpapakita ng tunay na diwa ng pagiging malikhain at pamana ng mga Pilipino.
Ayon sa CBCC, bilang Baguio City ang kaunaunahang siyudad Pilipinas na pinarangalan ng UNESCO Creative City, nararapat lamang na makuha ng siyudad ng Likha Award: Art Destination of the Year. Ito ay kung sasamahan ng
pagkakaisa at pagtutulungan na mapahalagahan ang yaman ng sining at kultura sa siyudad.
Sa ginanap na Baguio Creative Forum noong Abril 29 sa Baguio Convention and Cultural Center na pinangunahan ng mga kinatawan ng CBCC o, inanunsyo rito ang sinusulong ng siyudad Ginanap ang Baguio Creative Forum noong Abril 29 sa Baguio Convention and Cultural Center ay para mas mabigyang oportunidad ang mga artist na mag-ambag ng mga rekomendasyon, hinaing, at solusyon para sa pagpapalawig ng sining at kultura sa siyudad. Humingi naman ng tulong ang CBCC sa mga artist, ang pangunahing pinagmumulan ng sining ng siyudad, na makibahagi sa panibagong hakbang na nais matamasa ng siyudad.
Denielle Baltazar/UB-Intern
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024
September 13, 2024