LA TRINIDAD MPS, IDINEKLARANG DRUG-FREE WORKPLACE

LA TRINIDAD, Benguet

Opisyal na idineklara ng Philippine Drug Enforcement Agency ang La Trinidad Municipal Police Station sa Benguet bilang drugfree workplace, sa ginanap na seremonya sa Mabikas Hall ng La Trinidad MPS, La Trinidad, Benguet, noong Pebrero 19. Pinangunahan ni PDEA Regional Director Laurefel Gabales, kasama si Municipal Mayor Romeo K Salda, ang pag-unveil ng drug-free workplace marker.

Ang seremonya ng deklarasyon ay sinaksihan ng Chief of Police ng La Trinidad MPS, Naj.Leonarf Danasen, ABC President Jonie Puroc; mga miyembro ng Quad Staff at ang mga kalalakihan at kababaihan ng La Trinidad MPS. Pinuri ni Gabales ang mahusay na pagganap, determinasyon, at pangako ng mga kalalakihan at kababaihan ng La Trinidad MPS sa kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga na nagresulta sa kanilang pagkakamit ng isang lugar na walang droga.

ZC/ABN

Amianan Balita Ngayon