Lalaki, sugatan matapos mabundol habang tumatawid

Sugatan ang isang lalaki matapos mabundol bandang 4:15am ng Abril 28 sa kahabaan ng Leonard Wood Road, Baguio City.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, ang Toyota Hi-Ace van na may conduction sticker no. VH-1415 at minamaneho ni Ethan Jerry Deligen Foman-eg, 31, at residente ng Apugan, Poliwes, Baguio City, ay patungong Teachers Camp, Baguio City. Habang tinatahak ang kalsada ay nag-overtake ang van sa isang taxi kung kaya aksidenteng nabundol ang tumatawid na biktimang si Rick Acaba Belmonte, 43, at residente ng Km. 4 Asin Road, Baguio City.
Nagkaroon ng sira ang kanang bahagi ng harapan ng sasakyan habang ang biktima ay nagtamo ng sugat kaya agad itong dinala ni Foman-eg sa Baguio General Hospital and Medical Center para magamot at na-confine upang obserbahan.
Kinumpiska ng mga rumespondeng traffic investigator ang driver’s license ni Foman-eg at pansamantalang inimpound ang sasakyang sangkot sa insidente.

Amianan Balita Ngayon