Lider ng drug group sa La Union, nasakote

CAMP DIEGO SILANG, La Union – Nasakote na ng magkakasanib na tauhan ng La Union Provincial Police Office, ang lider ng Orancaya Drug Group sa isinagawang search warrant operation sa bahay nito sa Barangay Salincob, Bacnotan, La Union.
Kinilala ni La Union PPO Director Col. Jonathan Calixto, ang nadakip na si Bolacan Orancaya, 46, lider ng ng Baramgaya resident of Brgy. Salincob, “Orancaya Drug Group” na nag-ooperate sa lalawigan.
Ayon kay Calixto, armado ng search warrant na inisyu ni Judge Asuncion Fikingas Mandia, Executive Judge RTC First Judicial Region, San Fernando City, La Union ang mga magkasanib na tauhan ng of LU PIU-PDEU (lead unit), 1st PMFC and RID PRO1, nang isagawa ang operation noong Marso 3 sa pangunguna si Major Rginaldo Dalipas, chief of police ng Bacnotan MPS.
Narekober ng mga operatiba ang anim na sachets na naglalaman ng shabu, na may timbang na 3 gramo at may P20,400.00.
“Ang pagkakadakip kay Orancaya ay bahagi ng maigting na kampanya kontra droga sa lalawigan at patuloy ang aming pagtugis sa mga grupo nito at iba pang drug pusher,” pahayag pa ni Calixto.
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon