“Lockdown” sa tourist destination at festivals sa Cordillera

BAGUIO CITY – Dahil sa patuloy na banta ng 2019 Novel Coronavirus Disease (COVID 19), pansamantang nag deklara ng lockdown ang ilang tourism destination at festivals sa iba’t ibang bayan sa rehiyon ng Cordillera.
Nang sumiklab ang nakakamatay na virus ay una ng nag-suspinde ang siyudad ng Baguio para sa pagbubukas ng crowd drawing events na Panagbenga Festivals at sinundan ito ng PMA Alumni Homecoming, CARAA at marami pang iba.
Ang pag kansela ng mga events ay para siguraduhin na maiwasan ang nasabing virus para sa kaligtasan ng mga residente, lalo na’t nagbabala ang health department na umiwas sa mga crowded area.
Sa ngayon, ipinagmamalaki ng city government at health officials na nananatiling ligtas sa COVID-19 ang rehiyon, lalo na ang Summer Capital sa kabilang ng patuloy na pagdagsa ng mga bakasyunista.
Ang mga Person Under Investigation (PUIs) na naitala sa rehiyon ay nag-negatibo sa virus at nananatiling zero COVID-19 ang rehiyon.
Noong Pebrero 12, ipinahayag ng Baguio Flower Festival Foundation,Inc (BFFFI) ang pagbubukas ng Silver Anniversary ng Panagbenga Festival sa Marso 21, kasunod ang PMA Alumni Homecoming sa Pebrero 22 at CARAA sa Marso 23 hanggang 27.
Matapos ikansela ang grand opening Panagbenga Festival noong Pebrero1, sinundad ito ng pag-suspinde ng Strawberry Festival sa karatig-bayan ng La Trinidad, Benguet.
Sinundan ang lockdown ng toursm activities sa bayan ng Atok, Benguet,partikular na sa Northern Blosson at Sakura Farm.
Kinansela din ang Silver Annivesary celebration sa lalawigan ng Kalinga at ang kanilang Bodong Festival. Pansamantalang isinara din mula sa local and foreign tourists ang eco-tourism activities sa bayan ng Sagada, Mt. Province.
Noong Pebrero 13, sinsupinde din ng Tadian,Mt. Province ang kanilang Ayyoweng de Lambak 2020 festival at sa Pebrero 24 ay isasara din ng Kabayan,Benguet ang tourism activities sa lugar.
Hindi naman ikinaila ni Jovi Ganonga, acting regional director ng Department of Tourism, ang pagbaba ng turismo sa rehiyon na dulot ng COVOD-19, lalo na’t marami ang nag-kansela ng mga tourism events.
Umaasa ang tourism department na makakabangon ang rehiyon para manumbalik ang pagdagsa ng turista sa Cordillera.
 
Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon