Magalong nag babala laban sa pag-gamit ng kaniyang pangalan

LUNGSOD NG BAGUIO – Naglabas si Mayor Benjamin Magalong noong Oktubre 15 ng isang mahigpit na babala sa mga tao o grupo na ginagamit ang kaniyang pangalan upang makakuha ng mga pribilehiyo o makaiwas sa mga multa : “Tumigil kayo o ipapaaresto ko kayo.”
Sinabi ng alkalde na nakakatanggap siya ng mga ulat na ilang tao ang gumagamit ng kaniyang pangalan o ipinangangalandakan ang kanilang koneksiyon sa alkalde upang makaiwas sa pagbayad ng mga multa sa illegal parking o ibang katulad na mga insidente.
“Reports reaching my office showed that some people use my name to gain either privileges on amenities or exemptions from penalties. This is to give notice that I am not giving any favor to anyone, not even my relatives and friends to be given any privilege especially immunity from the law on my account,” pahayag ng mayor .
“In view of this, I am asking the Baguio City Police Office (BCPO) to arrest anyone who will use my name in any transaction,” dagdag niya.
Sa nakalipas na mga buwan, katulad na mga ulat ang umikot kung saan may mga di-nakikilalang mga tao ang nanloloko sa mga restaurants at iba pang establisimiyento na nagpapadeliver ng mga pagkain at mga bagay na gamit ang pangalan ng ni Mayor Magalong.
Ang mga nasabing tao ay masyadong nagnenegosyo na nagawa pang gayahin ang mayor habang tumatawag sa mga restaurant, bars at iba pang establisimiyento at umoorder ng pagkain, alak at iba pang bagay na binibiktima ang mga napapaniwalang may-ari ng negosyo.
Ito ang nag-udyok sa mayor na maglabas ng isang babala at inabisuhan ang mga negosyante na maging maingat at mapagmatyag sa mga nasabing tao.
“These unscrupulous activities need to stop so I am ordering the immediate action against these persons,” aniya.
 
APR-PIO/PMCJr.-ABN

Amianan Balita Ngayon