Magnobyong nagbebenta ng shabu sa nightclub entertainers timbog

LUNGSOD NG BAGUIO – Isang magnobyo na ayon sa anti-narcotics operatives ay nagbebenta sa mga night club entertainers ang nasakote sa isang apartment sa Loakan Proper barangay gabi ng Miyerkoles.
Nagbenta si Patrick Roger Loyola Catbagan, 33, isang taxi driver mula barangay South Sanitary Camp at kaniyang kasintahan na si Maryjane Bautista Nunag, 28, isang entertainer sa isang pamosong nightclub dito at mula sa Bacolor, Pampanga ng isang gramo ng shabu na nagkakahalaga ng PhP5,000.00 na nakalagay sa isang sachet sa isang undercover government agent sa loob mismo ng ipinalalagay na hideout bandang 6:50 ng gabi noong Miyerkoles.
Tatlo pang heat-sealed ng shabu na may timbang na 14 gramo at may halagang PhP95,200.00 ang nakumpiska ng mga ahente ng PDEA, sa tulong ng mga police ng Baguio, mga ahente mula sa Regional Intelligence Unit 14, CIDG-Baguio, Cordillera region police Drug Enforcement Unit (DEU) at Mobile Patrol Unit.
Si Catbagan na nauna nang naaresto dahil sa droga noong Nobyembre 6, 2015 ay napawalang-sala noong Abril 12, 2018, ay kasama sa target list personalities ng PDEA habang si Nunag ay isang bagong identified drug personality, ayon kay Intelligence Agent 1 Renier Tinong, chief ng PDEA-Cordillera Regional Special Enforcement Team na namahala sa operasyon.
Ang dalawa na kinukuha ang bulto ng suplay ng shabu sa baba ay nagtratrabahong magkasama na nagbebenta sa mga adiksiyon ng mga entertainer’s ng isang pamosong nightclub dito, ani Tinong, bagaman idinagdag niya na nagpapatuloy sa pagbebenta ng droga ang dalawa sa ibang customer habang sarado ang mga nightclub sa Lungsod ng baguio sa restriksiyon ng community quarantine.
(AAD/PMCJr.-ABN)
 

Amianan Balita Ngayon