Magsing-irog magkasalo sa droga

DAGUPAN CITY, Pangasinan – Di lamang sa hapag kainan magkasabay ang mag-asawa kundi nagkasala din umano ito sa droga matapos maaktuhan na gumagamit ng ilegal na droga kamakalawa ng madaling araw, Marso 29 sa barangay Buenlag, Mangaldan sa lalawigang ito.
Kinilala ng awtoridad ang mga naarestong mag-asawa na sina Alexander Lomibao, 41 at Jenny Lomibao, 38, residente sa nabanggit na lugar.
Ayon sa ulat, isang impormante ang nagsumbong sa kanilang tangapan. Agad namang nagresponde ang mga ito at aktwal na naabutan ang tatlong katao na bumabatak ng shabu sa isang bahay na nagresulta sa kanilang pagkakaresto.
Nakumpiska sa bahay ang isang pakete ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia habang mabilis naman nakatakas ang isa pa nilang kasamahan.
 
Francis Soriano/ABN

Amianan Balita Ngayon