Mga buwaya sa gobyerno…. Puntirya ni BBM

Jun 6, 2022

Ayan na… heto… bimbangan na kontra mga naglipanang mga buwaya sa gobyerno! Yan ngayon ang inaabangan ng marami dahil isa ito sa unang aatupagin ng bagong halal na pangulo ng bansa.

Marami ang pumalakpak bagama’t may mga tikom ang labi at maghihintay na lang sa susunod na mga kabanata.

Marami din daw ang nagkibit-balikat lang dahil marami na raw ang ganitong mga pahapyaw sa tuwing may bagong administrasyon pearo wala ring nangyayari. Sus ginoo… kailangang kaliskisan natin ito mga pards: Unang daplis: ano ba ang buwaya sa gobyerno? Tao ba o grupo ng tao o ano ba talaga?

Talamak na sa ating bukabularyo ang salitang buwaya kung trabaho sa gobyerno ang usapan. Sabi ng “common tao” – ang mga buwaya raw mga “kurakot” o “nagnanakaw” ng pera sa kaban ng bayan para sa kanilang pansariling kapakanan.

Kaya “buwaya” ang taguri dahil lahat ay sinasagpang kung pera ang usapan. Makapal ang balat, gaya ng buwaya….at singkapal din ng mukha. Kapag pinasukan ng buwaya ang isang ahensiya…tiyak palpak na ang serbisyo sa madla.

Bato bato sa langit ngunit hindi na lingid sa taumbayan kung aling mga ahensiya ng gobyerno ang may mga buwaya sa likud ng marami ng sumbong at diumano’y aksiyong ginawa ng pamahalaan. Sabi nga ng mga analysts: dapat butiki pa lang, pigain na ang pangil.

Ang siste…papano raw pipiga kung mismong pipiga ay may pangil na rin? So, ang kailangan dito ay makatutuhanang aksiyon ng isang kamay na bakal. Hindi lang dapat sa umpisa at di lang sa dada kundi sa gawa at tuluytuloy ang bigwas.

Di pa man opsiyal na nakakaupo ang mga proklamadong halal…patungpatong na ang mga problemang nakaumang sa kanilang landas. Bagama’t naka-krukis na ang kanilang gagawin….kabado pa rin ang marami.

Sabi nga ng mga matatanda: matalas man ang itak…kung mali ang pagtabas, mapurol din at palpak. Sa agang ito, naipupuwesto na ni BBM ang bubuo ng kanynang gabinete.

Ayon sa mga ulat….piling-pili ang mga itinatalaga at nasala base sa kanilang galing at kapabilidad. Daplis ng ilan: sana hindi magagatungan ng pulitika ang pagpili kundi magdedepende sa kanilang kapabilidad sa serbisyo, malinis na pagkatao na walang bahid ng kahinaan na maaring mademonyo, at may paninindigan laban sa korapsiyon.

Alam nating lahat na hindi lang ang nakapuwesto ang matatawag na “corrupt” kundi pati na rin ang mga taong nagbubuyo sa kanila para maging corrupt. Sa madaling salita….hindi magiging buwaya ang butiki kung walang magaalaga o magpapalaki.

Kung ibabase natin sa mga unang pagkilos ni BBM….lilinisin niya ang mga ahensiya ng gobyerno lalo na ang mga napapaulat na talamak ang korapsiyon. Di man natin pangalanan ang mga ahensiyang ito, alam ng bayan na maraming “buwaya” diyan.

Hindi sa nilalahat dahil mas nakakarami ang mga matitinong empleado kaysa sa mga bulok. Pero ang masaklap, kapag hinaluan mo ng isang bulok na kamatis ang isang kaing…baka bubulukin lahat. Yan ang gustong bantayan ni BBM.

Nasa likud mo ang bayan, Pangulong Bongbong. Marami ng nagdaang administrasyon ang nangakong kakalusin nila ang mga buwaya sa pamahalaan….pero hanggang ngayon, nariyan pa rin sila. Kung papano ang operandi na gagawin ng susunod na administrasyon…sila ang nakakaalam at nakamasid ang bayan.

Mahirap isagawa ang kontra buwayang bigwas ngunit sa tamang determinasyon at pagsasagawa….magtatagumpay din ito sa bandang huli. Adios mi amor, ciao, mabalos.

RELATED POSTS

Pag-Upo ni BBM…. Ano kaya????

Habang sinusulat ang espasyong ito….ilang araw na lang, uupo na bilang pangulo ng bansa si BBM. Marami ang nananabik bagama’t may mga...

Dumi ng pulitika….. Salot sa lipunan!

Tapos na ang halalan. Inagurasyon para sa pagkapangulo at bise, hinihintay. Exit ni Pres. Duterte at entrada ni BBM sa Malakanyang…ilang...

BBM-Sarah Proklamado na!

Sa wakas sa ganap na alas 6:42 ng gabi ng Mayo 25, pagkatapos ang napakabilis na canvassing…naiproklama na bilang pangulo at ikalawang...

Sabuyan ng putik… Lalong grumabe pa!

Abril na. Kulang na lang sa apatnapung araw ang kampanyahan…eleksiyon na. Marami ang sabik. Marami rin ang inis. Ang dahilan – lalong...

LATEST NEWS

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

CONCRETE PLANT COMPLIED WITH DENR-RECOMMENDED MITIGATING MEASURES

BAGUIO CITY (November 28, 2022) -- Triple A public works contractor Phesco Inc., operating a concrete batching plant in Sablan, Benguet, insists it has instituted mitigating measures averting earlier complaints of concrete spillages into the drainage system in sitio...

TATLONG MAGKAIBIGAN ARESTADO SA KASONG PANGGAGAHASA SA KALINGA

RIZAL, Kalinga - Tatlong magkakaibigan na pawang sangkot sa panggagahasa noong 2011, ang inaresto ng mga tauhan ng Rizal Municipal Police Station, dakong alas-5:20 ng hapon, habang naghihintay ng bus papuntang Tuguegarao City sa junction ng Barangay Liwan. Kanluran,...

DEPAP

DEPAP

Men from the 13 municipalities of Benguet participate in the traditional pig catching as part of the Grand Canao event of the 122nd Benguet Foundation Anniversary thru the Adivay Festival at the Benguet Sports Complex on Wednesday. November 23, 2022. RMC PIA-CAR

IT BEGINS

IT BEGINS

Members of the Fil-Am Golf Invitational executive committee pose with Baguio mayor Benjamin Magalong after the ceremonial tee-off at the Baguio Country Club Thursday, Nov. 24 that signal the starts of the 72nd edition of the worlds largest amateur golf tourney. Some...

10 DRUG PERSONALITIES, NALAMBAT SA OPERASYON SA CORDILLERA

LA TRINIDAD,Benguet -- Arestado ang sampung drug personalities sa isang linggong anti-illegal drugs operation ng Police Regional Office-Cordillera na isinagawa mula Nobyembre 13 hanggang 19. Sa talaan ng Regional Operations Division (ROD) ng PROCOR, anim na drug...

BARANGAY MERGING ISINUSULONG NA SA LUNGSOD NG BAGUIO

BAGUIO CITY – Inaprubahan na sa unang pagbasa ng Sangguniang Panlungsod sa kanilang regular session noong nakaraang Lunes ang iminungkahing ordinansa na nag-aapruba sa pagsasanib ng 128 barangay ng lungsod mula sa 34 barangay lamang, na napapailalim sa mga limitasyon,...

MINE SAFETY FIELD DEMO

MINE SAFETY FIELD DEMO

The Philippine Mine Safety and Environment Association held its Mine Safety Demo and Competition at the Melvin Jones football field. Mining companies all over the country demonstrate their skills in Mine Safety and first aid response during the COVID-19 Pandemic....

ARCHIVE

CONTACT US FOR YOUR ADVERTISEMENTS

MASTHEAD

Amianan Balita Ngayon

Pin It on Pinterest