Mga taga-Benguet, nag-alay ng huling paalam sa pumanaw na gobernador

La Trinidad Benguet – Dumalo at nakipagdalamhati ang mga residente ng probinsiya sa pamilya ni dating gobernador Raul Molintas sa ginanap na necrological service sa Ben Palispis Hall, Benguet Provincial Capitol noong Marso 12, 2018.
Pumanaw ang dating gobernador noong Pebrero 14 sa San Francisco, California, matapos magkaroon ng hemorrhagic stroke dahil sa acute leukemia. Iniuwi ang labi nito sa bansa noong Marso 6.
Inawit ni Benguet Indigenous People Mandatory Representative (IPMR) Sario Copas ang isang awiting Kalanguya na tinatawag na “Bad-iw” o awit ng pamamaalam.
Ayon kay Copas, ang dating gobernador ay isang matalinong pinuno dahil maraming proyekto ang kanyang inaprubahan para sa pagpapaunlad ng komunidad sa buong lalawigan.
Nag-alay din si Governor Crescencio Pacalso ng isang eulogy habang ang 13 munisipalidad ng lalawigan ay nagpasa ng resolusyon bilang simbolo ng kanilang pakikiramay sa isinagawang necrological service.
Ibinahagi naman ng kanyang asawa na si Purificacion Suanding at mga anak na sina Charmaine Molintas-Likigan, Baron Ralph at Gavin Rocky ang kanilang pagpapasalamat sa lahat ng sumuporta sa kanila.
“When I was very young, he told me always remember who you are. You are my son, the son of an Ibaloi. Be proud of our culture because while some laugh of our tradition, that’s because they don’t understand it or because they don’t have tradition that they could be proud of. Be proud of our rich culture because some didn’t have a tradition. No one can take that away, and should take that away because it is part of who you are. Remember wherever you are or wherever you have to go, you will always be a child of Benguet,” pag-aalaala ni Baron Ralph.
Nagsilbi si Molintas sa lalawigan bilang board member mula 1988 hanggang 1992, naging gobernador ng lalawigan mula 1995 hanggang 2004 at namatay sa edad na 60. Cherry May D. Pumihic, UC Intern

Latest News

Amianan Balita Ngayon