NBI – Cordillera hindi na iskwater

Ang National Bureau of Investigation- Cordillera Administrative Region (CAR) ay legal nang nasa sariling compound nito. Iginawad ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang isang Special Patent sa 3,545 square meter na complex kung saan nakatayo ang tatlong-palapag na main building, dalawang-palapag na lumang NBI Academy at ang bagong apat-na-palapag na NBI Academy building.
“The office has been here on that situation for 42 years,” ani NBI-Cordillera Regional Director Atty. Hector Eduard M. Geologo, na nagpahayag ng sobrang pasasalamat sa DENR sa gawad. Noong 1978, sa insiyatibo ni dating Pangulong Ferdinand Marcos ay naitatag ang NBI Baguio sub-office sa parehong lugar sa kahabaan ng Session Road Extension panulukan ng Governor ack Road dito, sa pagsasalaysay ni Intelligence Officer Bonifacio Salingbay, na nagsikap din trabahuin ang aplikasyon ng Ahensiya para sa para sa Special Patents hanggang sa magtagumpay ito Abril 8 ng nakaraang taon.
Nangako so Atty. Noel G. Morales, NBI-Cordillera executive officer na “our services will all the more be refined and fine-tuned for the benefit of the Cordillerans and the whole Filipino people.” Ilan pang mga ahensiya ng gobyerno gaya ng Civil Service Commission, National olice Commission at iba pang national government agencies ang nananatili pa sa mga lote ng gobyerno na hindi naipangalan sa kanila ang nahikayat sa “tagumpay ng Special Patent ng NBI” at isinulong din ang kanilang mga aplikasyon.
(AAD/PMCJr.- ABN)
 

Amianan Balita Ngayon