NO.5 MOST WANTED NH CORDILLERA, NAHULI SA IFUGAO

LAGAWE, Ifugao

Nahuli ng mga operatiba ng Ifugao Provincial Police Office ang Regional Top 5 Most Wanted Person ng Cordillera sa pagpapatupad ng warrant of arrest sa Sta Maria, Alfonso Lista, Ifugao noong Abril 7. Kinilala ang naarestong suspek na si Vergel Alejo Aliangan, 29, may asawa, operator ng heavy equipment at residente ng Sta. Maria Alfonso Lista, Ifugao. Nabatid kay Col. Davy
Limmong, provincial director ng Ifugao PPO, naaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Victor Cumigad, ng Branch 15,Regional Trial Court, Alfonso Lista, Ifugao dahil sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610). ).

Si Aliangan at nakalista bilang Cordillera Top 5 most wanted person para sa 2nd quarter ng taong 2023. “Binabati ko ang ating mga operatiba para sa isa na namang matagumpay na manhunt operation upang mabigyan ng hustisya ang MWP at panagutin ang nahuling suspek sa krimen na kanyang ginawa. Patuloy na hahanapin ng ating pulisya ang mga nagtatago at papanagutin sila sa ilalim ng batas upang matiyak na mabibigyan ng hustisya ang
mga ito. sa kanilang mga biktima,” pahayag ni Limmong.

Zaldy Comanda/ABN

Amianan Balita Ngayon